CHAPTER SEVEN.

984 16 1
                                    

CHAPTER 7.

100 DAYS OF SLAVERY! Makakaganti na rin ako sayo Nepumoceno. Yes! Yes!

Paulit-ulit ko nang binabasa ang ENSLAVEMENT AGREEMENT kakahintay kay Nepumoceno dito sa Chef d' Angelo. Sa sobrang excited ko nga na pirmahan niya ang papers alas-nueve y media palang nandito na ako.

Ang plano ko dapat ay bubwisitin lang siya sa araw-araw at lahat ng gusto kong ipagawa ay susundin niya. Pero mas maganda ang plano ni Bolt kaya ito nalang ang gagawin ko.

10:15 AM nang dumating siya. Halos tubuan na ako ng ugat at bunga dito kakahintay. Maryosep na babae to! Ganito ba siya lagi? Pinagaantay ang mga tao. Nakakainis talaga siya.

"Maupo ka." Tinitigan ko siya ng masama at inabot ang papel sakanya.

"ENSLAVEMENT AGREEMENT? HAH! ANO TO?" Sa sobrang ingay niya nagtinginan ang mga tao sa katabi naming table.

"Ssshh! Tone down your voice. Basahin mo gamit ang mata. Wag ang bibig! Airhead!" Sinimangutan niya ako at patuloy na nagbasa.

"I ... chuchu.. blahblah.. Ano? 100 days!" Nginitian ko siya habang kinakain ang inorder ko.

"Edi kung ayaw mo, ill just gonna call your mom." Inabot niya ang aking phone at pinigilan akong idial ang kanyang nanay.

"Eto na nga pipirma na!" Good! Buti naman. Habang pinipirmahan niya ito nakapout siya at gigil na gigil sa pen.

Matapos niyang pirmahan ang papel binalik niya ito sa akin at hinatak ang isang plate ng pasta sa harap niya.

"Hey, hey! I dont eat with my slave." Sumimangot siya at ibinalik ang plate sa kinalalagyan nito.

"Thats the first rule!" Kumuha ako ng pera sa aking wallet at tumingin sakanya. Nakakaawang nilalang.

"Have some fortune cookies." Inabot ko sakanya ang 200 pesos kasama ang address ng bahay.

"Pumunta ka sa address na yan pagkatapos mong kumain." Tumayo na siya at binulsa ang pera. Lumabas siya ng restaurant ng may ningning sakanyang mata dahil sa 200 pesos. Psh! Ang babaw niya talaga!

After eating my meals umuwi na ako sa bahay. Sakto din namang papasok si Bolt sa gate ng aming bahay.

"Oh? Mukhang success ah?" Sinabiyan niya ang aking pagngiti at nakipag appear sa akin.

"Ako pa ba?" Pagmamayabang ko sakanya habang naglalakad kami papasok sa aming kwarto.

"One more thing! Kambal, tulungan mo naman akong magkalat. Maya-maya lang kasi parating na si Nepumoceno. Gustong-gusto ko talaga siyang mahirapan." We both laugh. Nagugustuhan din kasi ni Bolt ang aking mga kalokohan. Kahit na nagawa niyang maibalik sa dating kulay ang aking polo, naiinis pa rin talaga ko sakanya! Kapag nakikita ko nga siya nagiinit pa rin ang ulo ko. Ang sarap niyang iflush sa toilet bowl!

After several minutes nakarinig na kami ni Bolt ng door bell. Bolt would love to see her. Pero hindi ko siya pinayagan. Mas magandang wala siyang alam tungkol sa akin. Mas safe ako. Pinapasok ko na si Bolt ng school at pinadaan siya sa back gate.

Bago ko siya pinapasok sa gate naisip ko muna siyang pagtripan. Sinilip ko siya sa maliit na butas sa aming gate at saka nagsalita.

"PASSWORD!" Nagulat siya at parang nagisip pa. Airhead! Hindi ba niya alam kung ano ang password?!

"Password?" Sabi na nga ba di niya nagets. Idiot!

"Airhead! Say the password before you enter." May pagkashunga! Paano kaya siya nakatungtong ng college nang walang alam sa mga bagay-bagay? Hmp!

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now