CHAPTER FORTY-ONE.

707 2 0
  • Dedicated to Shiela May Magbanua Matan
                                    

CHAPTER 41.

NAKARAMDAM ako ng antok habang kami ay magkayakap. Hindi ko na napigilan ang aking mata sa pagpikit hanggang sa ako'y makatulog.

"Misis Cancillar, push!" Nagulat ako ng makita si Nepumoceno na nakahiga sa isang hindi ko maintindihang lugar. Ang nakikita ko lang ay mga doktor. Doktor na nagpipilit na pairihin siya.

"Thun! 'King-ina Thun! Hayop!" Sigaw niya habang hawak-hawak ang aking damit.

Nanganganak ba siya? Nanganganak ang babaeng nasa harapan ko at isinisigaw ang aking pangalan.

"Punyeta ka Thunder! Ang hirap manganak! Gago ka ang sakit! Wooh! Pucha!" Puros mura ang kanyang sinabi kaya naman napatingin sakanya ang doktor at sinaway.

"Misis, wag ho ang pagmura sa asawa niyo ang inyong intindihin. Ang bata po na dapat ilabas ang bigyan niyo ang atensyon." Sa boses pa lamang ng doktor ay mahahalatang babae ito. Babae ang nagpapaanak kay Nepumoceno.

"Thun-amp!" Hinatak niya ang aking damit at hinala ako papalapit sakanya. Hindi ko na magawa pang tanggalin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak kaya yumuko na lamang ako.

"Thun," Bulong niya. Kaya naman lumapit ako sakanya para marinig ang kanyang sasabihin.

"Wag mo akong iiwan." Pahabol niya. Tumango na lamang ako at hinawakan ang isa niyang kamay. Nang sumigaw ng "PUSH!" ang doktor ay napakapit si Nepumoceno sa aking buhok at doon humugot ng lakas.

"Ahh! Light, yung anit ko." Sigaw ko habang hawak ito ni Nepumoceno. Halos mabiyak ang utak ko dahil sa bigat ng kamay niya. Para bang pilit na binubuksan ang balat ko sa ulo.

"Ugh.." Isang malakas na sigaw ang narinig ko kay Nepumoceno. Maya-maya pa ay lumuwag na ang kanyang pagkakakapit at nasundan iyon ng pag-iyak ng sanggol.

"Congratulations, lalaki ang anak ninyo." Ang huling boses na aking narinig bago ako maalimpungatan at magising dahil sa tunog ng cellular.

Unti-unti kong idinilat ang aking mata. Si Nepumoceno ay nakahiga pa rin sa aking dibdib at mahimbing na natutulog. Hinanap ko kung saan nagmumula ang tunog at natagpuan ko ito sa ilalim ng aking unan.

"Si Mama.." Bulong ko ng makita ko ang picture ni Mama sa incoming calls.

"Hello? Ma?" Bulong ko.

"Thun, inaayos ko na ang birth certificate ng bata." Nanlaki ang aking mata at tinignan kung si Mama nga talaga ang tumatawag.

Siya nga! Si Mama talaga.

"Ano bang ilalagay nating first name ng batang lalaki?" Biglang lumipad ang utak ko sa kalawakan at hindi ko na magawa pang makapagisip kaya inuga ko si Nepumoceno para itanong ang magandang pangalan para sa bata.

"Oh, bakit?" Naaalibadbarang tugon ni Nepumoceno.

"Tumatawag si Mama. Sagutin mo." Biglang napakilos si Nepumoceno at napaupo sa aking tiyan habang hinuhugot ang cellular mula sa aking kamay.

"Hello po Ma?" Pavirgin na tugon ni Nepumoceno.

"Lalaki po ba?" Napatungo si Nepumoceno habang kausap si Mama sa cellular.

"Ahmm.. Ma.. Cirrus Reign Cancillar nalang ang ilagay mo Ma." Sa di' ko malamang dahilan ay biglang kumunot ang aking noo. Kay landi naman ng pangalan ng batang iyan? Jusme! Saang planeta ba nanggaling ang mga salitang yan.

"Ma, opo... Opo... Kasama ko po. Nakahiga... Kakagising lang po namin eh." Tango siya ng tango kahit na sa telepono niya lang kinakausap. Natatawa pa nga siya habang sumasagot. Parang eng-eng talaga.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now