CHAPTER THIRTY-FIVE.

585 6 0
                                    

CHAPTER 35.

LINTIK NA Nepumoceno to oh. Nakakaurat! Pabili ng pabili. Lamon ng lamon. Kapag nandyan naman si Socrates parang lintang gaga. Taena! Kawawa ako.

"Mr. Cancillar? Pinapatawag ka ng ating head." Biglang nahinto ang aming klase ng kumatok ang Deans Secretary. Natulala ang lahat habang ang aming Professor naman ay nakatitig lang sa akin.

"Coming!" Sigaw ko. Halos lahat ng estudyante ay nagtinginan sa akin. Ang Professor naman ay parang nabugnot, lalo na ng hatakin ko din si Nepumoceno palabas ng classroom.

"Bakit idadamay mo pa ako?" Tanong ni Nepumoceno. Pilit na tinatanggal niya ang kanyang kamay sa aking pagkakahawak.

"Wag ka ng matanong. Sumama ka nalang." Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay kaya mas lalo siyang nabugnot.

"Hindi mo pa nga ako nililigawan nakikipagholding hands ka na." Nagulat ako sakanyang sinabi. Tinitigan ko siya sa mata at biglang humagalpak ng tawa. Ang gaga! Sino ba kasing nagsabing ipagpilitan niya yang panliligaw? At bakit ba may panliligaw? Wala namang namumuo sa aming dalawa ah. Ni hindi nga namin gusto ang isat-isa. Tyaka like hell!

May nanliligaw pa ba sa panahong ito? Baka nga wala na eh. Kasi halos lahat, HANAP, USAP, DEAL !

"Seriously? Sa lahat ng gaga ikaw ang tanga. Eh pano.. kung kelan nahalikan na kita at halos gahasain mo na ako, may ligawan pa!?" Huminto siya sa paglalakad at pinagtaasan ako ng kilay. For pete's sake! Jusko! Yang pagmumuka na yan ang pinakanakakairitang facial expression na nakita ko.

"Hoy! Thun-thun, how dare you. Sinasagot mo na ako? Hah! Wala kang dinner mamaya hah." Mas lalo akong natawa sakanyang sinabi. Geez! Simula pa ng iwan siya ni Socrates ako na ang bumubuhay sakanya. Ako ang bumibili ng groceries, pagkain, mga pangangailangan niya! Pinapauwi na nga ako ni Mama eh. Kaso nandoon si Magic kaya ayoko. Kailangan muna naming magkasundo ni Nepumoceno. Ang hirap kasing pakiusapan nitong gaga eh.

"Hoy! Ako kaya lagi ang bumibili ng malalamon mo." Nanahimik siya at nagduck face. Mga babae nga naman. Pasaway! Lagi nalang nilang pinagdidiskitahan ang mga lalaki para makuha ang gusto o kaya naman para pagtripan.

"Pasok ka nalang Mr. Cancillar." Tumango ako sa Deans Secretary at hinatak ko si Nepumoceno papasok ng Office. Itinulak ko pa nga siya para lang pumasok dahil para na siyang puno na nalagyan ng ugat.

"Ikaw lang daw ang papasok eh." Bulong ni Nepumoceno. Hindi ko naman siya pinansin at itinulak nalang paupo sa visitors chair na nasa harapan ng table ni Mr. Bayumbayo.

"Good afternoon Mr. Cancillar. At Ms. Nepumoceno." Nginitian ko naman ang Dean.

"Mabuti nalang at sinama mo ang partner mo sa paggawa ng adult comics. Para sainyo kasi talaga ang balitang ito." Nanlaki naman ang mata ni Nepumoceno. Halatang nagulat siya. Ang alam niya kasi ay sinira ko lahat ng pinagpaguran namin noong nagaway kami. Hindi ko naikwento sakanyang tinapos ko ang comics at ipinasa.

"Pinasa mo?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin. Tumango naman ako kaya napangiti ang gaga.

"Mr. Cancillar, ang gawa niyo ang napili para ilaban sa iba pang schools." Lumawak naman ang ngiti ko.  Wooh! Pera! Pera! Pera ang nakikita ko. Malaking premyo ito.

"Mr. Cancillar?" Nagulat ako ng iabot sa akin ng Dean ang puting sobre. Nang buksan ko ito, bumulaga sa akin ang puros papel na pera. Yes! Sa tingin ko'y ito ang premyo.

"Thank you Mr. Bayumbayo." Tumayo ako at nakipagshake hands sakanya. Ngumiti naman siya.

"Babalitaan ko nalang kayo kung nanalo ang inyong gawa." I nodded at lumabas na sa Deans Office.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now