CHAPTER FORTY-SIX.

698 6 0
                                    

CHAPTER 46.

DALAWANG TAON NA ANG NAKALIPAS. Dalawa't kalahati na rin ang aking anak ni si Era. Madaldal na siya gaya ng tito Bolt niya. Makulit na rin gaya ng lola. Lakwatsero na rin gaya ko.

At ako, si Thunder Cancillar ay graduate na. Hayy! Natapos ko ang apat na taon sa kolehiyo. With flying colours! Cumlaude yata ito. Hindi na kasi kaya ng utak ko. Baka mabuwang na ako kapag nagValedictorian pa ako. Baka matulad ako sa mga matatalinong baliw kapag nagkataon. Sayang naman ang kagwapuhan ko kapag naMental Hospital ako. Good boy na rin kaya to. Hindi na ako mahilig sumayaw sa bar. Pero pumupunta-punta ako doon para silipin kung kumikita pa ito. Natigok kasi ang co-owner namin ni Bolt dahil napaaway sa mga costumers. Kaya mas minabuti kong taasan ang security.

"Hello, Sir. Bayumbayo?" After years of education heto ako, successful sa buhay. Masayang pamilya. May gusgusing anak. Mana sa kanyang ama.

"Ako po?" Nagulat ako nang tumawag si Mr. Bayumbayo. Ang Dean ng dati kong University. Gagawin niya raw akong speaker sa magaganap na graduation dalawang araw mula ngayon.

"Sigurado po kayo Sir?" Natawa naman ang Dean na sa kabilang linya ng telepono. Malaking bahagi kasi ang gagampanan ko sa graduation. Dati kasi, si Dad lang ang kadalasang iniimbitahan ng Dean. Pero ngayon, ako na.

"Yes Sir. I will." Aatras pa ba ako? Magpapakavirgin pa ba? Eh hindi na kaya ako Virgin. Matagal na.

"Daddy, whom are you talking to?" Biglaan akong kinalabit ni Era kaya naman napangiti ako. Kinalong ko ang aking baby boy. Ang kaisa-isa kong anak.

"Someone you're not familiar." Kumunot ang noo ng bata at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Dad, your girlfriend?" Natawa naman ako kaya pinindot-pindot ko ang kanyang ilong. Cute boy. Gaya ko, ng tatay.

"No son. I dont have. You are my One and Only love." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Era. May naalala tuloy akong tao.

"Really? But tito said that my mommy is Lightning Nepumoceno, your girlfriend." Nanlaki ang aking mata ng sabihin ito ng batang aking kalong-kalong.

"That dummy. Dont listen to him. Bolt is just joking." Nakipagnose-to-nose ako sa aking anak at ibinaba na siya. Damn Bolt. Kahit kailan talaga pasaway siya. Hindi na siya tumino. Walanghiya!

Sa bilis ng oras hindi ko namalayang araw na pala ang lumilipas. Ang bilis ng takbo ng araw at gabi kaya naman dumating na ang araw ng aking pagharap sa mga graduates.

Dala-dala ko ang aking kapatid at anak nang pumunta kami sa graduation ng dati kong University. Hindi ko naman akalain na makikita kong nakatoga si Nepumoceno.

Habang naglalakad siya sa harap bilang Magnacumlaude ng kanilang University nagtama ang aming mga mata. Kapansin-pansin ang pagkawala ng kanyang ngiti habang nagbabow sa harap ng maraming tao. Hanggang ngayon pa rin ba? Hindi pa rin ba niya nalilimutan ang nakalipas?

Kaya naman sumenyas ako para bumalik ang kanyang ngiting nawala. Hindi naman niya ito ginawa at nagpatuloy lang sa paglalakad pababa ng stage.

Isang mahabang araw ito para sa akin. Matapos ang mahaba at nakaka-nosebleed kong speech inimbita ako ng Dean sa simpleng kainang ginanap sa kanyang opisina. Kasama ang mga Honorable mentions para sa taong kasalukuyan.

"Congrats Lightning Nepumoceno." Pilit akong ngumiti habang nakikipagkamay sakanya.

"Salamat." Matapos kong marinig ang isang salitang binanggit ni Nepumoceno bumitaw na ako sa pagkakahawak at tumango.

"Ahh--" Hahakbang na sana ako palayo nang biglang nagsalita si Nepumoceno. "Thunder, sandali." Muli akong tumitig sakanya. What now Lightning?

Maamo pa rin ang kanyang mukha gaya ng dati. Maganda pa rin siya at mas lalong umangat ito dahil sa puting damit niyang suot.

"Pwede ka ba mamayang gabi?" Nanlaki ang aking mata sa tanong niyang yun. Ako? Pwedeng-pwedeng.

Kaso . . .

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano bang balak ng babaeng nasa harapan ko? May kailangan ba siya sa akin?

"A-ahh. Wala naman akong gagawin mamaya. B-bakit?" Nauutal ako habang nagsasalita. Namamawis ang akin katawan habang kinakausap ko siya. Jusko! Ano ba ito?

"Magdinner tayo. My treat." Nakangiti niyang tugon sa akin at saka tumango. Natulala nalang ako habang nakatayo sa harapan ni Nepumoceno. Biglang nagshut down ang utak ko. Maging ang katawan ko ay nagsisystem error at mukhang nagwawala na naman ang aking damdamin.

Kinahapunan, napagdesisyonan na namin ni Bolt na umuwi. Siya ang pinagdrive ko dahil hanggang ngayon ay nagwawala pa rin ang aking utak sa di' ko malamang dahilan.

"WHAT? She invited you?" Naikwento ko kay Bolt ang mga nangyari kaninang tanghali. Lahat ng sinabi sa akin ni Lightning. Maging ang response ko.

"Yap." Lumawak ang ngiti niya kaya naman napapikit ako. 'king ina Bolt! Ang pangit mo kiligin.

"Mamaya na to' diba?" Tumango ako at binatukan ko siya ng mahina dahil sa ingay ng kanyang bibig.

"Shut up Bolt. Baka magising si Era." Sumilip ako sa likod para silipin kung tulog pa rin ang aking anak. Napangiti naman ako nang makitang mahimbing pa rin itong nakahiga.

Era, may dinner kami ng mommy mo. Nangangatog pa rin ako kapag naaalala ko ang mga nangyari kaninang umaga. Gusto ko nang himatayin.

"Hindi ka na ba galit kay Nepumoceno?" Napalingon ako nang magsalita si Bolt. Oo nga, galit ako. Pero dati na yun. Past is past.

"Dalawang taon na ang nakakalipas kambal. Tapos na yun. Tyaka kung makikipagkaibigan lang naman siya, bakit hindi di' ba?" Tumango-tango nalang si Bolt habang nangingiti. Mukhang tanga talaga tong kapatid ko. Nako! Mukhang alam ko na ang tumatakbo sakanyang isipan.

"Nakapagmove on na ako Bolt. Kaya tigil-tigilan mo ako sa mga ngiting yan." Sinutok naman niya ako ng mahina sa braso habang natatawa pa rin. Kinikilig ang hayop. Parang tanga! Walang mapaglagyan ang kakiligan.

-END OF CHAPTER FORTY-SIX.-

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now