CHAPTER THREE.

1.7K 26 0
                                    

CHAPTER 3.

MADILIM ANG BUONG PALIGID. Wala akong makita. Nahihirapan akong kumapa sa paligid. Nahihilo ako. Parang sasabog na ang ulo ko sa sakit. Mula ulo umabot na ang sakit patungong katawan. Parang lalabas na aking bituka. Pataas ng pataas- hanggang sa umabot sa aking lalamunan. Nagkaroon ng mga ilaw. Pero malikot. Ibat-iba ang mga kulay. Kanya-kanyang galawan. Sumasabay ang mga ilaw sa tugtog. Kasama ng mga taong umaandayog. Hataw sa kaliwa, hataw sa kanan. Tae yan! Mas lalo akong nahihilo. Hindi ko na kaya. Lalabas na talaga. Tinakbo ko ang daan papunta sa isang lugar kung saan tahimik at walang mga tao. Ibinuhos ko ang matinding sakit ng aking tiyan. Mga naglalarong nilalang sa aking tiyan.

"Ayos ka lang?" Narinig ko ang boses ni Bolt. Malinaw pero namamaos na. Hinihimas niya ang aking likod para ang sakit ng aking sikmura ay maibuhos at mawala.

Naghilamos ako para magising. Mas mabuhay ulit ang dugo kong inaantok na. Para mawala ang pagkalanta ng aking katawan.

"Hayy! Kaya ko pa!" Sumandal ako sa dingding ng comfort room na pinasukan ko. Nasa tabi ko si Bolt. Basa ang buhok at parang naligo.

"Anong nangyari sayo?" Ngumiti siya.

"Kagagaling ko lang dito. Nagpabuhay lang ng dugo." Siguro sa sobrang kalasingan ni Bolt kanina. Pati ang kanyang katawan ay nahilamusan niya.

Tumingin ako sa salamin sa aking gilid. Mukha na akong basang sisiw. Bangag, bilasa, mukang abnormal na nakasingot ng katol diyan sa kanto. Namumula-mula ang balat at mata. Gulo-gulong buhok na parang nagahasa at gusot na damit. Mukha na akong pulubi. Pupwede na akong bigyan ng limos sa lagay na ito. Natatawa nalang ako sa nakikita ko. Naaalala ko tuloy kung paano nila ako laitin dahil mas malala pa sa bangag ang itsura ko dati. Nakakatuwa at heto na ako ngayon, nakakaharap na sa mga taong umapi sa mukha ko noon. Naglalaway na sila sa katawan ko ngayon.

Naglakad si Bolt at binuksan ang pinto ng unang cubicle.

"Hey Men! Watch out. Knock first before you enter." Natawa ako sa sinabi nang tao sa loob ng cubicle. Nagulantang si Bolt sakanyang mga nakita. Parang nabuhay na naman ang makina sakanyang katawan. Sinarado ng lalaki ang pinto ng cubicle. Si Bolt sumenyas sa akin na ang dalawang tao raw sa loob ng isang cubicle ay gumagawa ng kanilang panganay. Natawa siya parang gusto niya ulit sumilip at mantrip. Pilyo kami kapag lasing. Ang mga bagay na kapagpapabuhay sa aming dugo ay sinusubukan namin. Kaya para sa gabing ito, magpaparami tayo ng lahi.

Lumabas kami ni Bolt sa Comfort room at naghanap ng paglalaruan ngayong gabi. Maraming kababaihan sa lugar na ito. Ang iba parang baguhan lang at hindi alam ang kanyang gagawin. Ang iba naman ay katulad din naming naghahanap ng aliw.

"Kambal, kita-kits nalang sa bahay." Naunang nagpaalam sa akin si Bolt. Nakahanap na agad siya ng kanyang biktima. Dalagang-dalaga. Makinis at dalagang pilipina. Hot!

Sumenyas ako ng Goodbye kay Bolt nakangiti siya at hawak-hawak ang bewang ng babaeng nakaminiskirt. Mukha pa namang inosente ang babae. Parang walang kamuang-muang sa bagay na kanilang gagawin.

"Hi baby." Lumapit sa akin ang isang babae at inalok ako ng cocktail. Blonde ang buhok nito pero mahahalatang kulay lang ito at hindi pa mukhang desente. Parang nagpagahasa ito diyan sa tabi kanina. Kitang-kita na ang kanyang dibdib dahil sa baba ng kanyang damit. Napagkaitan ata ito ng tela. Maiksing-maiksi ang skirt. Konting-konti nalang talaga ay kakaway na ang kanyang underwear.

WAG KANG IINOM NG MGA COCKTAILS NA GALING SA MGA BABAE!

I refuse the cocktail that she gave to me. Naalala ko ang bilin sa akin ni Bolt. Ang mga inuming galing sa mga babae dito sa club ay naglalaman ng mga sleeping powder. Papatulugin nila ang kanilang biktima at nanakawan. Pero hindi nila ko maloloko. Kabisado ko na kaya ang tactics nila. At isa pa, namimili ako ng mukha. Hindi ko yata makakayang tiisin ang ganitong kadugyot na mukha. Nakakaumay!

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now