CHAPTER TWENTY-ONE

759 10 1
                                    

CHAPTER 21.

HINDI KO ALAM KUNG PAANO GIGISINGIN ANG NATUTULOG NA NEPUMOCENO. Kanina pa nakapark ang aking AUDI sa labas ng kanyang barong-barong. May hinahabol akong oras. Magaalas nwebe na at kapag pumatak ang alas dyis ay nasa bahay na si Mama. Ngayon ang uwi niya ng Pinas. After a month uuwi na rin siya.

"Wake up." Ayokong pumasok sa bahay niyang puros ipis. Baka masira ko lang ang bahay niya kapag pumasok ako.

"Dumilat ka na Nepumoceno!!!!" Halos maghysterical na ako magising lang siya. Mabuti naman ay narinig niya ang sigaw ko at naalimpungatan siya.

Lumingon-lingon siya sa paligid at napangiti ng mapansing nasa harap na kami ng kanyang bahay. Namumula ang kanyang mata, gusot-gusot na ang kanyang damit at parang nirape ang buhaghag niyang buhok.

"Hey! Hey! Where are you going?" Bubuksan na niya sana ang pinto nang mapigilan ko siya, Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila. Inayos ko ang kanyang damit na gusot pati ang kanyang buhok na kanina ay naka pigtail.

"Uwi na." Nakahawak siya sakanyang noo at parang matindi ang nararamdamang sakit ng ulo. Hinugot niya ang ponytail na nakalaylay sa dulo ng kanyang buhok at inayos ang pagkakatali.

"Kiss your Boss before you say goodbye." Nakangiti kong sabi sakanya. Kumunot naman ang kanyang noo at nakakagagong expression ang pinakita sa akin. Nakataas ang kanyang kanang kilay at nakanguso.

"Manigas ka diyan." Bulong niya. Pero may kalakasan para marinig ko. Binuksan na niya ang pinto at dumaan sa harap ng aking sasakyan. Nagmadali naman akong buksan ang pinto para ipaalala sakanya.. "Your shirt and pants costs 3000 pesos. May bayad yan." Hindi ko na pinansin ang kanyang reaksyon. Pumasok na ako sa loob at nagpaandar pauwi.

Hindi naman kalayuan ang aking binabyahe. Malapit lang ang village mula kanila Nepumoceno. Mabuti nalang at hindi trapik. Maluwag ang daan. Ang bawat ilaw na nakikita ko sa daan ay nakakapagpangiti sa akin. Siguro dahil naging maganda ang nangyari sa akin ngayon buwan, nagawa ko ang aking mga gusto bago umuwi ulit si mama. Masyado kasi siyang istrikto. Lahat ng bagay ay kailangan ipapaalam sakanya. Jusko! Matanda na ako.. hindi na ako bata na kailangan umiyak kapag nasaktan. Hindi na ako kailangan pang lagyan ng bimpo sa likuran, Marunong na ako. Nakipagsex na nga ako eh. Tsk! Tsk!!

Makikita ko na naman ang P.A ni Mama na mukhang inidoro kasama ang anak nitong kamukha ni Dora. Parang aso kung makabuntot ang dorang yun. Tuko kung makadikit. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung nilalandi ako, Nauumay kasi ako sa mukha niya. Buraot!! Kung di lang talaga magagalit si Mama. Nasapak ko na yung mukha noon.

Oh crap! Nakapark na ang sasakyan ni Mama. Ang ibig sabihin noon "Maririnig ko na naman ang armalite na bunganga niya."

Tinawagan ko si Bolt para pagbuksan ako ng gate. Ang sabi niya ay wala pa siya dito sa bahay. Pauwi palang raw. Nalintikan na.

Naabutan na ako ni Mama na nakatambay sa labas ng gate. Nakataas ang kanyang kilay at nakacross arms ang kamay.

"Nasaan ang kapatid mo?" Patay!! Ano nalang ang sasabihin ko sakanya? Hindi niya pupwedeng malaman na nasa bar si Bolt at natungga ng Sex on the beach. Lintik na lalaking yun.

"Pauwi na po." Binuksan ni Mama ang malaking gate at sumenyas na ipasok ko na ang AUDI. Nakasimangot siya at mukhang pagod sa trabaho. Mukhang ako ang unang masasampolan ng machine gun niyang bunganga.

"San ka galing?" Ang pambungad na tanong sa akin matapos kong bumaba sa sasakyan.

"Sa bahay ng classmate ko. May tinapos lang." Isa ako sa mga magigiting na sinungaling. Nangunguna sa listahan ang aking kakambal na maraming pinaghuhugutan ng dahilan.

Blinded (One and Only You)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin