CHAPTER TWENTY-FOUR.

709 6 0
                                    

CHAPTER 24.

NANGANGAPAL ANG PISNGI KO SA SAKIT. Ramdam ko ang pagbakat ng kamay ni Mama sa magkabila kong pisngi. Parang isang tipak ng bato ang hinulog sa aking mukha at ngayon ay parang malalaglag ang aking mga ngipin.

Mahapdi. Masakit. Panigurado ay magpapasa ito pagkatapos. Hinaplos ko ang aking pisngi sa sakit. Ramdam ng aking kamay ang sugat na naitatak ng kanyang sampal. Namumuo ang dugo sa aking mukha at unti-unting kumikirot ito.

Hindi si Mama ang may gawa nito. Ang isa niya pang pagkatao. Naniniwala akong kinain siya ng galit kaya nagawa niya akong saktan. Maluha-luha siya sakanyang ginawa. Pero ako. Nananatiling matatag sa kanyang harapan. Nakayuko na tulad ng isang inosenteng bata. Ramdam ko na ang pangingilid ng aking luha. Pero pinunasan ko ito gamit ang aking kamay. Ayokong makita niya akong umiyak. Kasalanan ko ito. Ang kasalanan ay di iniiyakan, pinagbabayaran.

"M..ma?" Halong pagmamakaawa at lungkot ang lumabas sa akin habang iniiwas ko ang aking tingin. Napansin ko ang pagaaya ni Bolt kay Asha na lumabas ng kwarto. Hindi naman ito napansin ni Mama dahil ang buong atensyon niya ay nasa akin. Nanggagalit pa rin ang kanyang mata.

"Lumabas ka ng bahay!" Nanlaki ang aking tenga sa mga salitang lumabas kay Mama. "Layas! Baka kung ano pa ang magawa ko sayo." Mahigpit na humawak si Mama sa aking braso at hinatak ako palabas ng kwarto.

"Ma.." Pilit akong lumuhod kahit na kinakaladkad na niya ako palabas. "Ma.. wag. Im begging you." Nagsimula na ang pagtulo ng aking mga luha habang hinahaltak niya ako ng paluhod. "Get out!"

Wala akong nagawa kundi ang mapatayo dahil sa sakit ng aking tuhod. Ang pagsusugat nito ang mas lalong nagpahirap sa akin. Nadagdagan ang kirot ng aking katawan nang itulak ako ni Mama palabas ng gate. Ang likuran ko ay sumubsob sa matigas ng bahagi. Kaya napatigil ang katawan ko sa paggalaw.

Napapikit ako sa hapdi at kirot ng aking katawan. Ang puting bathrobe na aking suot ay puros dumi na. Nagdikitan ang mga maliliit na bato galing sa lupa at mga buhanging madumi. Sa likod ni Mama napansin ko ang presensya ni Bolt. Hawak-hawak ang aking damit. "Sige, Bolt, subukan mo lumabas at magsasama kayo ng kapatid mo." Napatingin ako kay Bolt. Nakikita ko ang kagustuhan niyang tumulong pero umiling ako. Isang paalala na huwag siyang sumunod sa gusto ng kanyang kalooban. Dapat siyang sumunod kay Mama.

"But, Ma..." Pagmamakaawa ni Bolt. "Pinagaaral ko kayo, tapos heto, makikita kong may kapatong sa kama ang kapatid mo. Bolt, sige, lumabas ka! Magsasama talaga kayo ng kapatid mo." Ang galit na boses ni Mama ang nagpahinto kay Bolt. Para bang tinamaan din siya sa sinabi ni Mama. Oo nga naman. Mali ako. Maling-mali ang ginawa naming yun. Pero hindi bat magagandang grado naman ang pinakikita namin kay Mama. Patas yun. Hindi naman kami sumusuway sa gusto niya. Ginagawa lang namin ang mga bagay na nagpapaligaya sa amin.

"Bolt, lock the gate." Utos ni Mama at nagsimula nang maglakad papasok ng bahay. "Wag mong lalapitan ang kapatid mo." Muling paalala ni Mama.

Sa huling pagkakataon ay tinitigan ako ni Bolt. Bago niya isara ang gate ay hinagis niya ang aking damit at sapatos. Sumenyas na magkikita pa kami ulit.

Ang pagsara ng gate ang nagpamulat sa akin sa katotohanan. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Tila isang karma ang pumukpok sa akin. Malaking martilyo ang nagpagising sa aking utak na hanggang dito nalang ang aking kasiyahan. Simula na ng pasyon ng aking buhay.

Alas-sais ng umaga ang nakikita kong oras sa aking relo. Napakaagang-gising ito pa sa akin. Pasikat pa lang kasi ang araw at parang nagbabadya pa ng pagulan. Wag naman sana.

Wala pang mga tao sa labas ng bahay. Wala pang mga magulo. Ang mga night lanterns nga ay bukas pa. Sa harap ng gate ako nagbihis. Pinalitan ang maduming bathrobe ng isang gray shirt at pantalon.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon