CHAPTER THIRTY-TWO.

610 3 0
                                    

CHAPTER 32.

BAKIT KASAMA NI MAMA si Magic? Ano na naman ito?

"Bolt, bakit nandito si Magic?" Lumingon ako sa direksyon ni Bolt. Nagkibit-balikat siya. Hindi niya rin alam? Imposible naman yata yun? Kasama niya si Mama sa bahay. Malamang sa malamang alam niya ang pakay ni Magic. Ang pagpapakita niya ngayon ang nagpapakaba sa akin.

"Bolt, ano to? Magsabi ka ng totoo." Pagpipilit ko sa aking kapatid na umamin kung may nalalaman siya.

"Thunder, kalma lang." Humawak si Nepumoceno sa aking balikat. Napansin ko naman na nasa tabi ko na si Mama at si Magic.

"Thunder, mabuti pa sa bahay nalang tayo magusap. Lightning, sumama ka na rin." Pagaaya ni Mama. Tinignan ko silang lahat. Sumunod sila kay Mama. Papasok ng sasakyan. Ayoko sanang sumama pero, ano pa nga bang magagawa ko? Kung magmamatigas ako ay malilintikan lang ulit ako. Hindi kasi maganda ang kutob ko. Hindi tamang kasama namin si Magic.

Nakarating kami sa bahay ng walang kibuan at ngitian. Nakakaurat! Ako lang yata ang walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Ano ito? Pucha!

Gaya pa rin ng dati ang bahay. Pero ang lahat ng maids at dalawang guards ay nakahilera sa parking area. Nakangiti ang lahat. Wala ang alalay ni Mama pati ang anak nito. Malamang nasa loob ng bahay.

Naunang bumaba sina Mama at ang iba pa. Nagpahuli ako. Iba kasi ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako. Anak ng! Naninikip ang aking dibdib.

"Thun-thun, tara na." Paanyaya sa akin ni Nepumoceno. Nakasilip siya sa bukas na bintana ng sasakyan. Nakangiti ang gaga.

"Wag mo kong ngitian. Nakakaalibadbad. Alis diyan! Lalabas na ako." Parang sasabog ang dibdib ko. Naghahalo-halo ang damdamin sa aking katawan.

"Good morning sir." Bati sa akin ng mga maids at guards. Hindi ko naman sila nginitian.

"Walang maganda sa umaga." Sagot ko. Narinig naman ni Mama ang aking sinabi kaya tumingin siya sa aking direksyon at naglakad papalapit sa akin. Nung una, akala ko papagalitan na naman ako. Pero hindi pala.

Hinawakan niya ang aking kamay at bumulong, "Ang sungit mo naman. Ngumiti ka naman." Hinawakan din ni Mama ang kamay ni Bolt. Napapagitnaan namin ni Bolt si Mama. Naglakad kami papasok sa malaking pinto. At sa pagbukas nito ay nagulanan ng confetti.

"Happy birthday Thunder! Happy birthday Bolt!" Sumabog ang dibdib ko sa saya at inis. Para bang bigla akong nahilo hanggang sa nanlabo ang paningin ko at tuluyan nang nawalan ng malay.

Wala akong maaninag. Mga boses lang ang naririnig ko. Puros pagtawag sa aking pangalan. Pagaalala.

"Ayan! Dumidilat na siya." Sigaw ng isang babae.

Unang nasilayan ng aking mata si Magic kaya lumipat agad ng direksyon ang aking paningin. Si Nepumoceno na may hawak na baso ng tubig, si Mama na hawak na pamaypay at si Bolt na ngiting-ngiti ang sinipa ko.

"Aray! What for?" Tanong ni Bolt.

"Nagkunwari ka pang walang alam. Walangya ka!" Sagot ko sakanya. Bwisit! Pinakaba pa nila kong lahat. Mga pungal.

"Wala naman talaga siyang alam Thunder." Sambit ni Mama. Wala? Eh kung ganun... Si Mama ang may gawa nitong lahat.

"Katulong ko si Magic sa pagaayos nito. Alam din ito ni Lightning." Tinitigan ko nang masama si Nepumoceno. Ang walangya! Kunwariy walang alam. Yun pala isa siya sa may pakana. Ang tanga-tanga ko rin naman kasi. Nalimutan kong birthday namin ni Bolt. Wala kasing kalendaryo sa bahay ni Nepumoceno eh. Pastilan.

Naupo ako nang maayos at unti-unting ngumiti. "Salamat." Bati ko sakanilang lahat. Kahit na panay ang ngiti sa akin ni Magic, hindi ko siya magawang pansinin. Naiilang ako. Nandito pa rin sa aking utak ang hapdi ng nakaraan. Ang lahat ng kalokohang ginawa niya.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now