CHAPTER FORTY-FOUR.

641 4 0
                                    

CHAPTER 44.

NAPAUPO AKO sa lapag. Sa harap ni Nepumoceno. Nakaramdam ako ng panlalambot at lungkot. Unti-unti akong tinataga ng mga salita ni Nepumoceno. Masyado na niya akong pinapahirapan.

"Nepumoceno, masisisi mo ba ako? Hah? Kasalanan ko na naman ba? Pinaramdam mo sa aking may halaga ako kapag kailangan mo. Kapag nalulungkot ka, ako ang takbuhan mo. Tapos ngayon, natigok ang pinakamamahal mo, binalewala mo na naman ako. Nanloloko ka ba?" Lumuhod siya sa aking harapan at niyakap ang katawan kong nanlalamig. Wala akong ginawa. Hindi ko siya magawang yakapin dahil alam ko namang naaawa lang siya sa akin kaya nagagawa niya akong pansinin. Pinagtatyagaan niya lang ako.

"Thun, mahalaga ka sa akin. Ayokong mawala ka." Nasagot na ang tanong sa aking utak. Mahalaga lang ako para sakanya. Hanggang ganun na lang. Pero hindi niya ako mahal.

"Wag mo na akong paasahin. Please, give me some space. Light, mas mabuti pang wag muna tayong magkita." Inusog ko ang kanyang katawan at dali-daling tumayo sa aking kinauupuan.

"Thun. . ." Binuksan ko na ang pinto at nagpatuloy sa paglakad, palabas. Lalabas na sana ako ng bahay nang bigla kong naalalang wala pala akong sapin sa paa. Nagmadali akong kunin ang sapatos kong nasa shoerack at tinali ang sintas ng puting converse.

Habang nagtatali ako'y biglang may tumayo sa aking harapan. Puting converse din ang sapatos niya. Gaya ng suot ko. Ang pantalon nito ay semi-fitted sa kanyang hita at plain green shirt na may dalawang butones sa bandang leeg.

I knew it. Its him. My twin brother. Nakangiti akong sinalubong. Napayakap naman ako at biglang napahagulgol ng iyak.

"Kambal, anong nangyari?" Humawak siya sa aking likuran at tinapik-tapik ito. Hindi naman ako makasagot dahil nangunguna ang lungkot sa akin ngayon. Gusto ko nang makawala sa sikip na nararamdaman ko. Naaawa na naman ako sa tanga kong puso. Nagtiwala na naman. Nagbukas na naman.

"Sige. Iiyak mo lang." Payo niya sa akin habang hinahagod ang aking likuran. Sa tingin ko ay walang alam si Bolt sa mga nangyayari sa aking buhay ngayon. Lalo na ang dahilan kung bakit ako umiiyak sakanya na parang batang ninakawan ng kendi.

Humarap ako sakanyang mukha at nakiusap, "Bolt, ayoko na dito. Iuwi mo na ako." Pilit akong nagmamakaawa. Pagod na ako kambal. Pagod na pagod na. Parang awa mo na. Pagpahingahin mo naman ako.

"Sige. Uuwi na tayo huh. Pero, mauna ka na sa chev. Kakausapin ko lang si Lightning." Tumango naman ako. Sinunod ko agad ang kanyang utos. Nagmadali akong pumasok sa sasakyan at hiniga ang aking ulo.

Ang mga luha ay patuloy lang sa pagbagsak. Hindi ko ito mapigil. Parang may sariling utak ang aking mata. Walang katapusan. Ayaw magpapigil.

Nepumoceno, how dare you to make me cry? Damn it! Akala ko pa naman magagawa mo akong mahalin kaya nagpakatanga na naman ako. Malay ko bang sasaktan mo din ako. Mas mabuti nang habang maliit pa lang ang sugat ko sa dibdib ay magamot na. Kaysa lumaki ulit gaya ng dati. Scars are the results of Love. Emotion from my hypothalamus that makes me weak. Ang dahilan kung bakit naging bato ako.

Starting today, I will never gonna open my heart again.

Pumikit ako sandali para ipahinga ko ang mga mata kong namumugto. Ang bigat-bigat na ng aking pakiramdam. Gusto ng tumalon ng aking mata palayo. Sana, nuon palang pinatay nalang ako ni Magic para hindi na ako nasaktan ulit ng ganito.

Pagkabukas ng aking mata, nagulat ako, nasa harap na ng aming bahay ang sinasakyan ni Bolt. Pinagbuksan ako ni Bolt ng pinto at ngumiti sa akin habang inaabot ang kanyang kaliwang kamay.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya habang inaalalayan akong tumayo.

"Salamat kambal." Matapos tumango ay nagpasalamat ako sakanya. Kahit kailan talaga, laging si Bolt ang tagapagligtas ko. Isa talaga siyang mabuting kapatid. Laging nakaalalay sa akin.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now