CHAPTER FIVE.

1.3K 17 1
                                    

CHAPTER 5.

NAGISING AKO DAHIL SA SAKIT NG AKING ULO. Parang dalawang bato ang magkabilang pinagsalpukan sa akin. Bukod sa sakit ng ulo ay ang init ng aking katawan. Naparami yata ang inom ko kagabi kaya heto ako ngayon hangover.

Naupo ako sa aking higaan. Nakalaylay ang aking paa na hindi tumatapak sa sahig. Naikukuyakoy ko ang aking paa dahil sa sakit ng aking ulo. Mula sa aking paa, napatingin ako sa aking orasan.

"Ay! Lintik! Ala-una na!" Napatayo ako agad at parang nawala na lahat ng sakit na aking iniinda. Napatakbo ako papunta sa shower at nagmadali. Nakalimutan kong pangumaga nga pala ang pasok ko ngayon. Ito pala ang araw para sa welcoming sa aming mga first year. Bakit kasi kailangan pa itong pasukan eh! Kung hindi lang talaga hawak ng NSTP ang mga ganung program, hinding-hindi ako papasok.

Matapos kong maligo napansin kong may tao sa tub. Nilapitan ko para malaman kung sino.

Nakatulog si Bolt habang nakababad ang katawan sa bathtub. Akala ko nakapasok na siya. Ang alam ko'y alas-otso ang pasok niya? Eh bakit nandito pa siya?

"Bolt?" Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga.

"Kambal." Unti-unti niyang dinilat ang kanyang mata at hinalamos ang kanyang kamay.

"Ang aga mo ah. Alas-siete pa lang." Natawa ako sakanyang sinabi. Hindi niya rin pala namalayan ang oras gaya ko. Unang beses kasing nangyari ang ganitong insidente. Ngayon lang kami nagkaroon ng matinding hangover. Kadalasan kasi'y isa o dalawang shot lang kami para hindi maamoy ni Mama. Pero dahil wala si Mama, nasarapan ang aming paginom.

"Ala-una na kambal." Kinuha ko ang kanyang phone at iniharap sakanya ang oras.

Natawa siya matapos tignan ang oras. Parang natulala ako at nanlaki ang aking mga mata ng malaman kong alas-siete pa lang. Nasapo ko ang aking ulo nang maalalang huminto na pala ang orasan kahapon pa. Walang tigil sa pagtawa si Bolt kaya pinitik ko ng tubig ang kanyang mukha. Badtrip!! Nakakainis na hangover to.

Kinuha ko ang aking phone at tinignan ang schedule ng pasok ko ngayong araw. Bago mag-alas-nueve ay kailangang nasa school na ako. Nanlambot tuloy ako. Bakit naman kasi sumabay pa ang schedule ng eskwelahang ito.

Lumabas si Bolt sa paliguan na nakangiti at nakatingin sa akin. Pinagtatawanan niya pa rin ba ako. Lokong to! Nagsimula na siyang magayos ng kanyang uniform. Ang pants ng kanyang school ay straight cut na black khaki at ang pantaas ay puting longsleeves na ginagawa niyang 3/4 dahil sa init daw ng panahon. Minsan lang siya magsuot ng vest at tie. Kadalasan kasing may pagkatamad itong si Bolt eh. Miyembro yan ng student head ng kanilang school. Pero mas mukha siyang laging magkakacutting dahil sa ayos niya. Seryoso si Bolt sa harap ng marami. Masungit, mainitin ang ulo at ayaw makakakita ng mali. Magsusuot lamang siya ng vest at tie kapag siya ang naatasang magturo sa mga kabatch niya. Kapag may emergency call ang mga teachers at kailangan ng magtuturo ay siya na agad ang naisasalang. Walang kaalam-alam ang kanyang pinapasukan sa mga kalokohan ni Bolt. Ang alam kasi nila seryoso sa buhay at mahilig mag-aral. Ang hindi nila alam, abnormal siya kapag gabi.

Nagdesisyon na rin akong magbihis. Light blue ang kulay ng aming polo. Habang ang pants ay blue. Kaso hindi pa ako nakakapagpatahi ng aking uniform. Nakasanayan ko na kasing ako ang nagaadjust ng aking isusuot. Kaya naisipan ko munang suotin ang longsleeves na bigay sa akin ni Bolt. This one is my favorite. Bukod sa ito ang pinakamahal na regalo niya sa akin. Ito ang pinakamaganda. This polo is worth Four Thousand. At nakakaamaze na ang isang kuripot na gaya niya ay magreregalo ng ganun kamahal. Public ang eskwelahang napasukan ko. Gaya nga ng sabi ko'y gusto ko ng simpleng buhay sa labas. Walang nakakakilala sa akin sa school. Hindi ako nakikipagusap sa mga tao sa aking paligid. Mas gusto ko kasing kumilos ng mag-isa. Kapag may kasama at may mga asungot ka, hindi mo magawa ang mga gusto mong magawa. Lagi nalang may nakatingin sa kilos mo.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon