CHAPTER TWENTY-TWO.

751 8 1
                                    

CHAPTER 22.

SITTING BESIDE NEPUMOCENO. Watching the sun says its goodnight. I like the view up here.

"What a wonderful view." Napangiti si Nepumoceno matapos kong ituro ang paglubog ng araw sakanya. Nakatalumbaba siyang nanunuod ng paglubog ng araw. Ang mamula-mulang araw. Unti-unti nang lumalapag sa kalupaan, unti-unti nang nginingitian ang mga taong nanunuod. At sa bawat minutong lumilipas ay isang kapanapanabik na pangyayari ang inaasahan.

Habang nababawasan ang sinag ng pulang araw ay lumalawak ang ngiti ni Nepumoceno. Kasingganda ng araw ang kanyang ngiti. Nagniningning din. Pero dadating ang oras na ang ngiting yan ay mawawala gaya ng paglubog at babalik kinabukasan.

"Nepumoceno?" Pagtawag ko sakanyang pangalan habang nakatitig sa nangangalahati nang araw.

"Hmm?" Maikling sagot niya.

"Alam mo ba ang love ay parang araw din?" Mula sa bibig ni Bolt ang kasabihang ito. Napalingon siya sa akin "Bakit naman?" at matapos magsalita ay itinuon ulit ang atensyon sa araw na ngayon ay halos kainin na nang lupa ang kabuuan.

"Gaya ng araw, nawawala rin ang pagmamahal. Lumulubog. Kinakain ng lupa, kinakain ng galit. Pero kinabukasan, sisikat ulit. Oras na matutunan mo na siyang patawarin ay muli mo na siyang mamahalin. Parang cycle lang. Ang araw kasi naaappreciate mo lang kapag papalubog na. Parang pagmamahal na kapag nawawala na ay nalalaman mo na ang halaga." Nagkaroon ng katahimikan. Hindi siya sumagot sa aking mga sinabi. Para bang iniisip niya muna ang kanyang sasabihin.

Ang mga ulap ay nagsisimula na rin mabawasan. Ang araw ay wala na. Wala na rin ang liwanag. Ang mga sinag ng araw ay napalitan na ng mga ilaw ng bahay. Muling binubuhay ang gabing malamig gamit ang ilaw. "Alam mo.. Kung mas nauna kitang nakilala kaysa kay Socrates..." Lumingon siya sa aking direksyon, "Baka ikaw siguro ang minahal ko."

"Gaga!" Pambasag ko sakanyang sinasabi. Sa totoo lang ay di niya alam ang kanyang sinasabi.

"Ano na naman?!!!" Inis na inis niyang sabi. "Baka masakatan lang din kita Nepumoceno." Pagamin ko sakanya.

"At Nepumoceno, Hindi Love life ang kailangan ko. Sex life!" Tumingin siya sa akin ng may seryosong mukha at hinampashampas ang braso ko. "Punyeta ka talaga Thunder." Hinawakan ko naman agad ang magkabila niyang kamay. "Kelan mo pa natutunang sagutin ako? Walangya!" Binitiwan ko ang kanyang kamay at isinuklay ang kamay sa aking buhok. "Hoy, Thunder Cancillar, Anong akala mo sa akin huh? Utang lang ang meron ako sayo! Kaya may karapatan pa rin akong sagot-sag---" Bigla siyang natahimik ng ilapat ko ang aking labi sa bunganga niyang maingay. Dilat-dilat ang kanyang mata. Halos maluwa na ito dahil sa gulat. Para bang nakakita siya ng isang multo. Naninigas ang katawan, nanlalamig ang balat, nagtatayuan ang bawat balahibo hanggang sa kagatin na naman niya ang aking labi. "Ahh! The heck! Hindi ka ba talaga marunong humalik? Hindi pa nga gumagaling yung kagat mo noong nakaraang araw eh." Nakakunot ang noo niya habang magkalapit ang aming mukha. Para bang gusto niya akong sampalin. "Nakakainis ka!! Pervert! Bakit ba ang hilig mong manghalik?" Natawa naman ako sa sinabi niya. Ako pervert? Hindi kaya. Kelan pa? Eh ginusto rin naman niya ang bawat lapag at haplos ng labi ko sakanya. Yun nga lang, ang malikot niyang bibig ay nangangagat.

"Nepumoceno, hindi mo napansin na magkatugma ang ating pangalan. Lightning and Thunder... Meant to be diba?" Itinaas ko pa ang aking kamay at inispell sa hangin ang aming pangalan. "Meant to be na magsex..Aray!!" Nakatanggap ako ng batok mula sa mabigat niyang kamay. Ang sakit ah. Tengeneng to. Pumupuntos ah. "Ang libog mo!"

"Hoy, baka nakakalimutan mong nadagdagan utang mo. Kung makabatok ka hah. Baka singilin kita ng di oras!" Napatayo siya "UTANG NA NAMAN??" Nagnod naman ako at hinatak siya paupo. "Gusto mo mabawasan?" Napaisip naman siya sa sinabi ko.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon