CHAPTER THIRTY-THREE.

577 4 0
                                    

CHAPTER 33.

NGAYON, problemado tuloy ako. Papaano ko kaya ipapaliwanag kay Nepumoceno na kailangan naming magpanggap sa harap ni Magic. Pati na rin sa mga magulang niya.

Maiintindihan kaya niya? Makikisama kaya siya? Siya pa naman ang pinakatangang babae na nakilala ko.

"Maupo ka nga! Bakit ka ba ikot ng ikot hah?" Kanina ko pa napapansing ikot din ng ikot si Nepumoceno. Kanina pa siya nakasunod sa aking likod. Parang tanga lang.

"Kanina pa kita kinakalabit eh. Tanghali na! Nagugutom na ako." Tinignan ko ang aking relo. Alas dose y media na nga. Kami nalang ang nandito sa classroom.

"Halika na nga." Kinaladkad ko siya palabas ng classroom. Hawak-hawak ko ang kanyang kamay nang biglang sumulpot sa aming harapan si Socrates. Nagkasalubong kaming tatlo sa hagdan. Mukhang paakyat siya. Habang kami ay pababa ng hagdan.

Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Socrates. Tinignan niya ako ng masama lalo na ng mapansin niyang magkahawak-kamay kami ni Nepumoceno.

"Lightning?" Paghihiwalayin sana ni Socrates ang aming kamay pero nagawa kong iiwas ito. Nagtago naman si Nepumoceno sa aking likod. Namamawis ang kanyang kamay at nanlalamig. Kinakabahan yata ang babaeng ito.

"Socrates, may gusto yatang sabihin sayo si Lightning." Hinatak ko ang kamay ni Lightning. Ayaw naman niyang bumitaw sa pagkakahawak kaya itinulak ko siya papalapit kay Socrates.

Sabihin mo na! Sabihin mo na! Pinandilatan ko siya ng mata. Bumaba naman ako ng ilang hakbang para dumistansya sa dalawa. Kailangan nilang mapagisa. Kailangan nilang pagusapan ang mga bagay-bagay. Sa totoo lang, hindi paghihiwalay ang sagot sa problema nilang dalawa. Kailangan lang nilang magsimula ulit at kalimutan ang mga nagawa ng bawat isa. Kulang lang sila sa time at sweetness. Nakikita ko namang may gusto pa rin sila sa isat-isa. Nakikita ko sakanilang mga mata. Yun nga lang, kinakain na ng galit si Nepumoceno. Nawawalan na siya ng tiwala sa lalaking nasa harapan niya.

Kung ako ang nasa posisyon ni Nepumoceno, mawawalan din ako ng tiwala sa lalaking yan. Hindi manlang mabigyan ng oras ang girlfriend niya. Tatawag kapag taglibog. Mabuti na nga lang at hindi pa binibitiwan ni Lightning ang birtud niya. Kasi kung nagkataon ay disgrasya lang ang magiging bunga.

Habang naguusap sila. Napapansin kong may namumuo nang alitan sa dalawa. Tao nga naman. Kapag bago pa lang ang relasyon, walang ginawa kundi maglandian, magharutan at magyakapan. Pero kapag nagkasawaan, heto na. Nagmumurahan. Nagsasakitan at humahanap ng butas para maghiwalay.

Maraming mga tao ang tingin sa lust ay love kaya kapag di nila nakuha ang katawan ng isat-isa, naghihiwalay. Minsan naman, infatuation lang, akala na nila true love na. Kesyo mamamatay sila kapag nawala yung isinisigaw ng puso nila.

Nakakaawa ang taong mali ang depinisyon ng love. Masasaktan lang siya sa huli. Iiyak! Tapos kapag may nakilala ulit siya, iikot na naman ang buhay. In the end, iiwan pa rin siya. Cycle ang nangyayari sa mga taong hindi marunong magmasid at magalam. Mali ang pananaw sa buhay. Mali ang ideya sa mga bagay-bagay.

"Please.. Light, another chance." Narinig ko ang malungkot na boses ni Socrates. Mukha namang gustong bumalik ni Nepumoceno.

Chance? Another chance! Kung ako ang tatanungin. Hinding-hindi ko na siya bibigyan pa ng chance. Parang buhay kasi ang love. Once is enough. Twice is to much. Ang tao, kapag namatay. The end na. Pwede mo bang sabihin sa langit na, "Please give me another chance." Hindi! Dahil binigyan ka na ng mahabang oras para maramdaman ang sarap ng buhay.

Sa kalagayan nilang dalawa? Chance? Hindi na. Bakit hindi nila binigyan ng oras ang isat-isa noong maayos at masaya pa sila?

Two choices. Una, bibigyan mo ng chance, magpapakatanga ka ulit. Kakalimutan ang nakaraan, makikisama at pipiliting ngumiti. Pangalawa, hihiwalayan mo, magmoved on, ngumiti ulit at mamuhay para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now