CHAPTER THIRTY-NINE

585 6 0
                                    

CHAPTER 39.

MUKHA SIYANG LEON na handa akong kainin sa isang pagkakamaling aking magagawa. Utang na loob Nepumoceno, huwag mo akong titigan ng ganyan.

"Sumagot ka!" Magkadikit ang taas at baba niyang ipin habang sumisigaw.

"Dalawang buwan nang nakakalipas. Yun yung araw na humingi ako ng tulong sayo." At napakaimposibleng ako ang ama ng kanyang dinadala dahil kapag may nangyayari sa amin ay sinisigurado kong may gamit kaming proteksyon.

"Siguraduhin mo Thunder ah. Masasaksak talaga kita kapag nalaman kong ikaw ang ama ng malanding yun." Huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy magsalita.

"Nakakahiya talaga siya. Masyadong maharot." Mukhang si Asha ang tinutukoy ni Lightning. Kitang-kita ang kanyang panggigigil sa kapatid niya sa ama. Bakit ba sila ganyang magkapatid? Hindi ko maintindihan kung bakit kapag nababanggit ang pangalan ng Ate niya ay nagliliyab na siya sa galit.

"Eh ano naman kung sakaling ako ang ama?" Napanganga ang babaeng nasa aking harapan. Mukhang hindi siya makahagilap ng sagot kaya naman tumitig nalang siya sa akin at napayakap.

"Thunder, ano--kasi..." Habang tumatagal ay humihigpit ang kanyang yakap sa akin. Parang isang batang iiwanan ng kanyang magulang.

"Ikaw na nga lang ang nagiisa kong pamilya at kasa-kasama mawawala pa." Habang nakayakap ay nakatitig siya sa aking mukha. Nagpapaawa ang gaga. Ano kayang trip ng babaeng ito? Hindi naman siya ganito dati ah.

"Alam mo Nepumoceno, minsan hindi talaga kita maintindihan. Aawayin mo ako, pagagalitan, babatukan, tapos bigla ka nalang yayakap at maglalambing. May gusto ka ba sa akin hah?" Diretsahan ko na siyang tinanong. Nagdududa na talaga ako sa mga kinikilos niya eh. Hindi na siya gaya ng dati na nagagawa akong tiisin kahit na mamatay-matay na ako.

"Ayaw ko lang mawalan. Lahat kasi ng mayroon ako nakuha na ni Ate." Ang drama naman. Parang tanga lang ah. Isip bata hah? Gaga, kahit naman ipagtulakan mo ako sa kapatid mo hinding-hindi ako sasama doon. Sex lang naman ang habol ko dun eh. Kaso buntis na. Kaya ayoko na sakanya.

"Drama mo! Wag kang magalala hah. Itatali na kita sa bewang ko para life time na tayong magkasama. Pucha! Eh ikaw pa. Malakas ka sa akin eh. Hayop! Ginayuma mo nga yata ako eh. Biruin mo hah. Halos lahat ng babaing dumaan sa akin ay sinungitan ko, ikaw lang itong tinrato kong bestfriend." Ngumiti ang gaga at niyakap pa ako lalo.

"Kaya nga natatakot ako eh. Ikaw lang ang nagiisa kong bestfriend." Gumapang ang kanyang kanang kamay at hinawakan ang aking mga daliri. "Mangako ka hah. Ako lang ang bestfriend mo. Papayag akong makipagsex ka sa lahat, kahit lalaki pa yan. Basta ako lang ang bestfriend mo." Kinaltukan ko siya ng mahina kaya naman napausog siya at hinimas ang parteng nakaltukan ko.

"Gaga! Hindi ako kasinglibog ng iniisip mo. Teka nga! Parang sobrang bait mo ngayon... may kailangan ka noh?" Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at nilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Wala. Naglalambing lang." Tinitigan ko siya ng masama at inilapit pa ng kaunti ang mukha niya sa akin."

"Weh? Tantanan mo nga ako! Nung nakaraang naglambing ka, nagpabili ka ng dalawang box ng pizza. Ano??" Tumulis ang nguso ng gaga at napapikit.

"Thun, gusto ko ng baked mac." I knew it! She want something. Tsk! Tsk! Nepumoceno, hindi ka na talaga magbabago. Kahit kailan talaga pasaway ka. Magastos ka pa rin.

"Kiss ko muna." Ibinaba niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi at hinalikan ako sa kanang pisngi.

"Baked mac! Baked mac! Baked mac!" Tumatalon-talon ang gaga habang sumisigaw. Nako! Matapos mo akong awayin kanina at pagtaasan ng boses. Papahirapan muna kita.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now