CHAPTER FORTY-NINE.

1.5K 7 0
                                    

CHAPTER 49.

MAHIGPIT PA ring nakayakap sa akin si Nepumoceno. Alas-otso na ng umaga pero mahimbing pa rin siyang natutulog sa aking dibdib. Nakangiti at parang walang problemang pinapasan.

Mula sa bintana niya, matatanaw ang malakas na buhos ng ulan. Ulan na nakapagbibigay ng lamig sa aming umaga. Kada makakakita ako ng ulan, nalulungkot ako. Dahil habang nagaaway kami noon, taon na ang lumilipas ay malakas ang buhos ng ulan. Malalaki ang patak. Basang-basa ang bintana ng ospital noon. Kasabay nito ang pagpatak ng aking luha.

Pero ngayon, nabago na ang tingin ko sa ulan. Simbolo na ito ngayon ng kaligayahan. Umiiyak ako, dahil sa kaligayahan. Dahil katabi ko siya, yakap-yakap ko. Magkaharap ang aming mukha habang nakatitig ako sakanya.

"Lightning, mas gumanda ka ngayon." Bulong ko sakanyang tenga. Sana ang init ng aking hininga ang gumising sakanya para ngitian ako at batiin ng Magandang Umaga. O kaya naman ay salubungin niya ako ng malaking ngiti.

Nangako pa naman ako noon. Hindi na ako muli pang magmamahal. Kakalimutan ko na siya at mamumuhay ng masaya. Akala ko kasi'y madali. Galit lang pala ang dahilan kung bakit nasabi ko ang mga salitang iyon. Habang lumilipas ang mga araw ay nababawasan ang sakit at hapdi. Gaya ng isang kandila. Unti-unting nababawasan hanggang sa tuluyan ng mawala.

"Oh shit." Nakakarinding mura ang aking narinig mula kay Lightning. Dali-dali siyang tumayo at hinatak ang kumot na bumabalot sa aking katawan. Naiwan naman ako sa higaan na walang saplot.

"Lightning?" Unan ang pinantakip ko sa aking ibaba. Ang mga mata ni Lightning ay nalipat sa bintanang basa. Mahigpit niyang hawak ang kumot na nakabalot sakanyang katawan.

Tumayo na rin ako at pinulot ang kanyang pangitaas. Nasa lapag ang kanyang damit kagabi. Hinagis niya ito bago kami matulog at muli na naman siyang pumatong sa akin.

Alam ko naman na kalasingan ang nagtulak sakanya para gawin ang mga bagay na iyon. Ngayon, kaya naiilang siya ay dahil wala na ang lakas ng loob na dala ng alak. Alak ang aming naging sandalan. Pero umaasa pa rin ako na kahit wala na ang lakas na loob na dala ng alcohol, sana'y bumalik ang dati naming ugnayan.

"Im sorry." Bulong niya habang kinukuha sa aking kamay ang kanyang damit.

"For what?" Sinabayan ko siyang magdamit. Ang kumot ay maayos niyang ipinatong sa kanyang higaan. Naupo sa malambot na kama at tumitig sa akin.

"Hindi ko sinasadyang gawin-"

"No. Its okay. Wala kang nagawang masama. Nagpadala rin naman ako sa mga ginawa mo kaya kasalanan ko din." Tumango siya at muling inilapag ang kanyang likod sa kumot na isinalansan niya. Ang matambok niyang dibdib ay bumabakat sakanyang damit. Wala siyang suot na undergarments pero kumportable siyang nakakagalaw.

Inilipat ko naman ang aking tingin. Baka mahuli niya kasi akong nakatitig sakanyang makinis na katawan. Baka pagisipan niya ako ng masama.

"Ngayon nakita mo na ang malungkot kong unit." Bigla siyang nagsalita. Humarap sa akin na parang may dinadalang hinanakit.

"You see? Im not happy. Living with you two years ago is the reason why I feel lonely today. Nasanay na akong nasa tabi kita at masaya. But, dont worry, hindi ko naman pinagsisisihan ang nakaraan. Nagpapasalamat nga ako dahil naging mas maayos ang buhay ko dahil sa nakaraang pinanghahawakan ko." Malungkot ang tono ng kanyang boses. Hindi ko tuloy alam kung sinisisi niya ba ako dahil iniwan ko siyang magisa o natutuwa siyang ginawa ko iyon. Past is past. But past brought me here. Kung wala kaming nakaraan, baka wala akong pinaghuhugutan ng lakas ng loob.

"You may leave Thunder." Nagtalukbong siya ng kumot matapos sabihin ang mga salitang iyon. Nalilito tuloy ang aking mga paa, saan ba ako pupunta? Anong dapat kong gawin?

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now