CHAPTER 11

7.9K 315 7
                                    

Psalms 23:2-3

He makes me lie down in green pastures, he leads me beside quiet waters, 3 he restores my soul. He guides me in paths of righteousness for his name's sake.





*****


RYSHA POV


"oh no! Ako na ang may gawa nyan sayo Ry?"


Yan agad ang bungad sa akin ni Lizeth pagkapasok ko pa lang sa classroom. May benda kasi ang sugat ko para daw hindi maimpeksyon sabi ni tita Riya. Imbis na sagutin ang tanong nya ay tinanong ko din sya.


"Kamusta ka na Zeth?"


Napahalumbaba na lang si Lizeth.


"Eto natatakot gamitin ang element, baka kasi hindi ko na naman ito makontrol."


Malungkot nyang sabi sa akin. Nagkatinginan kami ni Throy pagkatapos ay umupo na sya sa upuan nya. Ako naman ay tinapik ko sa balikat si Lizeth.


"Alam mo ang nangyari sayo kahapon ay isang pagsubok lamang. Pagsubok na hindi lakas ang tinitingnan kundi ang magiging attitude mo toward dun sa nangyari. Kung ang epekto nun sayo ay ang panghihina ng loob mo, baka nga hindi sapat na tawagin kang isang elementalist. Pero kung titingnan mo ang nangyari sayo as a lesson or in a positive way, then you are an elementalist. Ang isang elementalist ay hindi nasusukat sa kung gaano kalakas ang element. Nasusukat ang pagiging elementalist sa kung paano mo mahahandle ang mga sitwasyon na may kaugnayan sa element mo."


"You know what, nagtataka ako sayo. Mas madami ka pa kasing alam kumpara sa amin, knowing na sa mundo ka ng mga tao lumaki."


Natigilan ako sa sinabing iyon ni Lizeth. Ayan Rysha, ang daldal mo kasi. Nakakahalata na tuloy si Lizeth.


"Ah kasi, ano..nabasa ko lang yun sa libro."


Maniwala ka Lizeth,please.


"Ganun ba. Pero Rysha, salamat sa pagliligtas sa akin hah."


Napangiti na lang ako dahil mukang naniwala naman sa akin Lizeth.


"sus, wala yun. Ginawa ko lang ang kung anong dapat gawin."


Tiningnan nya ang sugat ko na may benda. Hindi naman nya masisilip ang sugat ko kasi nga may benda ito. Gaano kaya katagal bago ito maghilom? Ang sakit kasi lalo na kapag nalamigan.


"Sorry hah dahil nasugatan ka dahil sa akin."


"Hay naku Lizeth. Wag mo nang kaisipin ang nangyari kahapon. Ang mahalaga ay okay ka."


Nakangiti kong sabi sa kanya kaya napangiti na lang din sya.


Pagtingin ko sa may pintuan ng classroom ay saktong pumasok si Michael. Nagtagpo ang mga paningin namin kaso nag-iwas agad ako ng tingin. Sana umepekto ang spell na ginawa ko. Sana wala syang naaalala sa nangyari kagabi at yung tungkol sa garnet.


"Good morning."


Masaya nyang bati sa amin. Nginitian ko lang sya at tumungo na lang ako. Mukhang wala naman syang naaalala.



"Rysha."


Medyo nagulat pa ako ng bigla kong tawagin ni Michael. Nakatayo na pala sya sa harapan ko nang hindi ko namamalayan.


"Sorry dun sa inasal ko nung una tayong magkita. Sana wag mo akong iwasan. Mabait naman ako eh."


May inabot sya sa aking isang bulaklak na kulay pink na may anim na petals. Tiningnan ko lang yung bulaklak. Hindi ko kasi alam kung tatanggapin ko ba yun o hindi.


"Sige na Ry. Peace offering ko yan sayo."


Seryosong seryoso si Michael na animo'y mag-iiyak kapag hindi napagbigyan. Kaya tinanggap ko yung peace offering nya na bulaklak. Iisipin ko na lang na peace offering nya ito dahil kinuha nya ang gem ko.


"Salamat."


Ngumiti sya sa akin at bumalik na sya sa upuan nya. Pinagmasdan ko na lang yung bulaklak. Parang may nakasulat sa mga petals nito. Mas inilapit ko ang mga mata ko sa bulaklak. Maliit lang yung mga sulat pero sapat na para mabasa ko.


Naaalala ko yung nangyari kagabi. Don't worry. Wala akong pagsasabihan na iba and wala akong balak na bawiin ang gem. Pero sana mapaliwanag mo sa akin ang nangyayari para hindi na ako maguluhan. Sorry ulit dun sa nangyari.


Ang haba ng sulat nya at hindi ko maintindihan kung paano nya nasulat yun sa petals ng bulaklak. Pero hindi yun ang concern ko ngayon. Dahil ang problema ko ay yung naaalala nya pa din ang lahat ng nangyari.


Kailangan kong makausap si Michael ng masinsinan. Pero kapag nakipag-usap ako sa kanya, may posibilidad na kailangan kong sabihin sa kanya ang tunay kong pagkatao.


Napahawak na lang ako sa noo ko. Bakit ba naman kasi hindi tumalab sa kanya ang spell ko. Tss.



*****

Salamat guys! ^_^


----nnaeillek


FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now