CHAPTER 20

7K 267 12
                                    

Proverbs 18:21

The tongue has the power of life and death, and those who love it will eat its fruit.





*****


THROY POV


"Throy, chillax lang. Grabe yung sinabi mo kanina hah."


Sabi sa akin ni Lizeth habang hinahabol nila ako sa paglalakad. Naiinis na kasi ako sa mga kapwa ko estudyante na walang ibang ginawa kundi ang pag-usapan si Rysha. At dahil sa naubos na ang pasensya ko, nasigawan ko tuloy sila.


"Pasensya na. Napikon na kasi ako eh."


"Naiintindihan namin. Lahat tayo ay nag-aalala kay Rysha."


Sabi ni Aaron habang tinatapik ako sa balikat. Bumuntong hininga na lang ako.


"Uuwi na ako. Ichecheck ko si Ry, baka gising na sya."


Tumango sa akin ang buong barkada kaya naglakad na ako pauwi sa bahay.




Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang mag-isip. Basta na lang kasi nawalan ng malay si Rysha tapos hindi pa din sya nagigising. Ni wala kaming kaide-ideya kung ano ba talagang nangyari sa kanya.



Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si mama na nagluluto ng hapunan.



"Kamusta na po si Ry?"


"Hindi pa din sya nagigising."


Malungkot na sabi ni mama.


"Ganun po ba. Puntahan ko lang sya ma."




Agad akong umakyat at pumasok sa kwarto ni Rysha. Nadatnan ko sya na himbing na himbing pa din sa pagkakatulog. Lumapit ako sa kanya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nya.



Hindi ko talaga maitatanggi na maganda sya. Kaya siguro galit na galit sa kanya si Nerissa. Idagdag pa ang mga pangbabara nya, kaya hindi na nakakapagtaka na galit ito sa kanya.



Pinagmamasdan ko lang sya ng biglang umilaw ang gem necklace nya. At dun ko narealize na ang nangyayari sa kanya ngayon ay maaaring may kinalaman sa ikalawang gem nya.



Bakit ba hindi ko agad naisip yun kagabi?

FINDING MY GEMSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang