CHAPTER 29

6.6K 237 3
                                    

Psalm 31:24

Be of good courage and He shall strengthen your heart, all you who hope in the Lord.





*****


THROY POV


Hindi ko alam kung anong nangyari. Para akong nagising sa mahabang pagkakatulog. Sa pagkaalala ko ay hinahanap namin ni Rysha ang may hawak ng zircon gem nya hanggang sa nakita namin si Audrey na nakaupo sa may sanga ng puno.



"Ry?! Anong nangyari?"



Nakita kong punong puno ng galos si Rysha at parang nanghihina sya.


Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, pakiramdam ko kasi ay may nagawa akong hindi maganda base na din kasi sa itsura ng mga puno sa paligid namin.



"Audrey!"



Nilapitan ko agad si Audrey dahil wala syang malay. Ako ba ang may gawa nito sa kanilang dalawa? Ano bang nangyari?



"Nawalan lang sya ng malay but she's okay. Anytime ay pwede na ulit syang magising."



Napalingon ulit ako kay Rysha na nakaluhod. Nagtataka ako sa kung ano mang nangyari kanina. Wala naman akong ibang matandaan.


Pinilit nyang makatayo at nung magawa nya yun ay naglakad sya palayo sa amin. Napatingin ulit ako kay Audrey na wala pa ding malay. Tinawag ko ang ibon ko na si Maya.



"Puntahan mo si Aaron ngayon, sabihin mo na kailangan sya ni Audrey."



Lumipad palayo sa akin si Maya habang ako ay gumawa ng shield at ipinasok doon si Audrey. Ayoko man syang iwanan sa ganitong sitwasyon ay kailangan kong gawin. Alam ko naman kasi na anytime ay dadating na si Aaron. Kailangan ko pa kasing sundan si Rysha. Nakita ko kasi sa mga mata nya ang labis na pagkalungkot at nababahala ako. Ngayon ko lang sya nakitang ganun.


Medyo malayo na pala ang nalalakad ni Rysha kaya tumakbo ako para maabutan sya. Nang makalapit ako sa kanya ay hinila ko sya paharap sa akin at niyakap ng mahigpit.



"I'm sorry. I'm really sorry."



Hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry sa kanya, para kasing ang laki laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya. Umiiyak sya at hindi ko alam kung paano sya patatahanin. Ako ba ang may gawa kaya sya umiiyak ngayon?

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now