CHAPTER 71

4.8K 175 14
                                    

1 Corinthians 1:18

18 For the message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of God.






*****

RYSHA POV



"Anong iniisip mo?"



Napalingon ako kay Throy na naglalakad palapit sa akin. Seryoso syang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako at ibinalik ko ang tingin ko sa elemental tree. Naramdaman ko naman ang pagtabi nya sa akin. Nakaupo kasi ako sa ilalim ng isang puno na nasa harap ng elemental tree. Katatapos lang din kasi ng afternoon class namin at dito agad ako nagderetso.



"Tungkol ba yan sa nawawalang gem?", tanong pa nya.


"Ano pa nga ba?", sabi ko na lang at napabuntong hininga.


"Wag mo na masyadong isipin yun. Alam ko namang makukumpleto mo din ang labindalawang gem mo.", pag-eencourage nya sa akin.


"Paano kung hindi?", malungkot kong sabi sa kanya.


"Ikaw ang tunay na nagmamay-ari ng mga gem kaya alam kong para sayo sila. Sabi nga nila, if it is meant to be, it will always find its way."



Napatawa naman ako dahil sa sobrang seryoso ni Throy. At talagang naisip pa nya yung kasabihan na iyon.



"Seryoso ako Rysha.", sabi nya na parang batang nagtatampo.


"May sinabi ba akong hindi ka seryoso?", pangbabara ko naman sa kanya.


"You will always be Rysha.", nagtatawa nyang sabi na ikinataas ko naman ng kilay.



"Rysha, kamusta kayo ni Michael?", pag-iiba nya ng usapan.


"Okay naman kami. Bakit?", nagtatakang tanong ko sa kanya.


"How it feels nung magtapat sya sayo?", seryoso nyang tanong.



Medyo natigilan ako. Dahil simula nung magtapat sa akin si Michael at manghina ako, wala ni isa ang nagbukas ng topic na yun. Maski si Michael ay hindi na din yun binabanggit at puro sorry na lang ang sinasabi nya. Kahit sina Lizeth at Zairah ay hindi nagtatanong sa akin regarding dun.



"Nakakahilo at nakakapanghina.", pabiro kong sagot sa kanya pero totoo naman yun dahil yun ang naging consequence sa akin ng pagtatapat ni Michael.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon