CHAPTER 76

4.6K 170 14
                                    

2 Timothy 1:7

7For the Spirit God gave us does not make us timid, but gives us power, love and self-discipline.





*****

RYSHA POV


"Sige Rysha, kung okay lang sayo na mag-alala ako, walang problema sa akin. Pero sana isipin mo din sina Mama at ang buong barkada na nag-aalala din sayo."



Bigla akong natahimik sa sinabing iyon ni Throy. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang natauhan.



"Rysha, hahanapin natin ang gem necklace mo pero sa ngayon, magpahinga ka na muna.", sabi sa akin ni Lizeth.



Pinunasan ko ang mga luha ko at pabagsak na humiga sa kama. Naupo naman sina Lizeth, Zairah at Jhudiel sa tabi ng kama. Ipinikit ko ang mga mata ko kahit na alam kong hindi ako makakatulog.


Hindi dapat ako basta nakahiga lang dito. Hindi ako pwedeng tumunganga lang at isawalang bahala ang pagkawala ng gem necklace ko. Kailangan kong mahanap agad agad yun. Pero nakakainis, dahil nastuck lang ako dito.


Isa akong psyche pero bakit hindi ko maramdaman na malakas ako? At ang nakakainis pa, nawala ang gem necklace ko. Karapat dapat pa ba akong hirangin na isang gem psyche kung ganito ang nangyari?



"Guys, kailangan nating umalis dito."



Napabangon agad ako nung marinig ko si Michael. Halatang halata sa boses nya ang pagkataranta.



"Bakit?", tanong ni Jhudiel.


"Si Nerissa, hindi ko alam kung paano nya nagawa yun. Pero napasunod nya sa kanya ang lahat ng elementalist."


"What?"


"At ikaw Rysha ang una nyang pinapapatay. Kaya kailangan na nating makaalis dahil paniguradong papunta na sila dito."


"Hindi matatapos ang lahat ng ito kung tatakbo lang ako. Kailangan ko syang labanan.", sabi ko sa kanila.


"No Rysha, kaya mo bang labanan ang mga inosenteng elementalist?", biglang singit ni Throy na kapapasok lang ulit sa kwarto ko.


"What do you mean? Si Nerissa lang ang kalaban ko."


"Oo sya lang. Pero she altered the memories of all the elementalist kaya sya ang kinikilala ngayon ng lahat. Kapag sinabi ni Nerissa, agad nila yung susundin.", seryoso nyang sabi sa akin.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now