CHAPTER 36

6.3K 225 1
                                    

James 4:10


10 Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up.






*****


RYSHA POV



"Rysha, hija, kumain ka na. Sige na."


Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Sinundo kasi ako nina tita Riya at tito Jethro sa clinic kanina. Sabi ni nurse Jane, kailangan ko daw munang magpahinga para mas mabilis daw akong gumaling. At itong si tita Riya ay kanina pa ako pinipilit kumain. Gabi na din kasi at oras na ng hapunan.


"Tita, wala po talaga akong gana."


Ipinikit ko ang mata ko dahil nag-uumpisa na naman akong mahilo at parang masusuka.


"Ry naman eh. Paano ka lalakas kung hindi ka kakain?"


Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at may mga yabag na palapit sa amin.


"Hon, nagwawala na naman daw yung babae."


Bigla kong minulat ang mga mata ko at tumingin ng deretso kay tito Jethro.


"Sino pong babae?


Nagkatinginan sina Tito at Tita at parang nag-usap ang mga mata nila.


"Tito, Tita."


Sabay silang tumingin sa akin then bumuntong hininga muna si Tita.


"May inireport sa amin ang Water Kingdom, may isang babae daw na laging nagwawala at parang nababaliw. Nakasakit na din sya ng mga kapwa elementalist nya. May mga nagsasabi na nababaliw na nga ito at may mga nagsasabi naman na baka naghahallucinate lang."


Bigla akong bumangon na ikinagulat naman nilang dalawa. Parang nawala na din bigla ang hilo ko.


"Saan ka pupunta?"


"Kailangan ko pong makita yung babae. Baka biktima sya ng may hawak ng gem ko."


Hinawakan ako ni Tita at inihiga ulit.


"Hindi ka pa magaling."


"Pero tita."


"Bukas na bukas ay dadalhin ka namin sa kanya. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna at magpagaling."


FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now