CHAPTER 38

6.1K 230 2
                                    

Deuteronomy 1:29-30

Then I said to you, "Do not be terrified; do not be afraid of them. The LORD your God, who is going before you, will fight for you, as he did for you in Egypt, before your very eyes."






*****


RYSHA POV


"Throy? Michael? Anong ginagawa nyo dito?"


Isang alanganing ngiti ang tanging isinagot sa akin nung dalawa. Napatampal na lang ako sa noo ko at napailing.



"Ate, sino sila?"


"Sila si Throy at Michael, pinsan at kaibigan ko. Guys, sya naman si Brianna pero Ian na lang."



Lalapit na sana si Michael kay Ian pero hinarangan ko na agad sya. Alam na alam ko na kasi itong si Michael eh.



"Bata pa si Ian, child abuse ka.", nakasimangot kong sabi sa kanya. Nginitian naman nya ako ng nakakaloko kaya tinaasan ko sya ng kilay.


"Makikipagkilala lang naman ako, selos ka na agad."



Iba na talaga ang hanging dala nitong si Michael kaya binatukan ko nga, baka sakaling mabawasan kahit konti ang hangin nya. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ian kaya napatawa na lang din ako. Kaso natigilan ako bigla nung lumapit sa akin si Throy at hinawakan ang dalawa kong kamay.



"Kahit kailan talaga padalos dalos ka. Paano ka makakalaban kung may chainbreak ka? Yung totoo, nag-iisip ka ba talaga?"



Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya at tumalikod.



"Hindi ko sinabing sumunod ka dito, kaya wala kang karapatang husgahan ang mga ginagawa ko dito."



Hinila ko palayo dun sa dalawa si Ian at nagpatuloy na lang sa paglalakad.



"Ate, okay ka lang? Saan mo ba ako dadalhin?"



Napatigil ako bigla. Saan nga ba kami pupunta? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Saang banda na kaya kami ng gubat naroon? Ngayon lang ata ako nakapunta dito.



"Pati lugar kung saan ka pupunta, hindi mo din alam."

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now