CHAPTER 21

7.4K 268 20
                                    

Luke 1:76-78


76 And you, my child, will be called a prophet of the Most High; for you will go on before the Lord to prepare the way for him,

77 to give his people the knowledge of salvation through the forgiveness of their sins,

78 because of the tender mercy of our God, by which the rising sun will come to us from heaven





*****


RYSHA POV


"Rysha!!!!..grabe ka. Pinag-alala mo kami."


Yan agad ang bungad sa akin ni Lizeth pagkalabas ko ng bahay. Papasok na kasi ako ngayon and nagulat ako dahil nandito ang buong barkada.


"Okay na ako guys."


Nakangiti kong sabi sa kanila.


"Grabe ka naman matulog girl. Almost 24 hours din yun hah. Ano bang nangyari sayo?"


Bigla akong kinabahan sa tanong ni Zairah. Tumingin ako kay Throy, yung tingin na tulungan-mo-naman-ako look.


"Pwede bang mamaya na lang yang mga tanong nyo kasi malalate na tayo."


Seryosong sabi ni Throy. I smiled at him with a thank-you-your-my-savior look. Hindi na din naman nangulit sina Zairah at nag-umpisa na kaming maglakad papunta ng school.



"Teka nga pala, si Michael?"


Wala kasi akong naramdaman na hangin kaya napansin kong hindi nila kasama si Michael. Walang maingay at makulit na lalaki.


"Nasa clinic, binabantayan nya si Cedrick."


Sagot sa akin ni Aaron.


"Cedrick?"


"Yung kausap mo sa bar bago ka nakatulog."


Sagot naman ni Throy. Nakita pala nya na nakausap ko si Cedrick. Naalala ko bigla na si Cedrick nga pala ang nakalaban ko.


"Anong nangyari sa kanya?"


"Nakita na lang daw nila sa may likod ng academy na walang malay. Eh hindi pa ata nagigising."



Medyo hinila ko palayo si Throy sa barkada at may binulong sa kanya. Pero naglalakad pa din kami, medyo nahuhuli lang kami at nauuna na ang barkada.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now