CHAPTER 61

5.1K 218 15
                                    

James 5:20

20remember this: Whoever turns a sinner from the error of their way will save them from death and cover over a multitude of sins.






*****


RYSHA POV


Patuloy lang sa paglalakad si Throy habang ako ay nakasunod lang sa kanya. Hawak nya kasi ang kanang kamay ko. Natigil lang kami sa paglalakad nung may humawak bigla sa kaliwang kamay ko.



"Pare, naisayaw mo na sya. Baka naman pwedeng ako naman ang magsayaw sa kanya.", seryosong sabi ni Michael.



Si Michael pala ang humawak sa kabilang kamay ko. And now nakatingin sa isa't isa yung dalawa. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa kanilang dalawa kaya pareho silang napatingin sa akin.



"Throy, okay lang naman siguro diba? Besides, it is already allowed.", sabi ko sa kanya.



Napabuntong hininga naman sya then tumingin ulit sya kay Michael.



"Alam mo na Michael.", makahulugang sabi ni Throy.


"Of course, dahil hindi din ako papayag katulad mo.", sagot naman ni Michael.


"Good."



Okay? OP ako. Ano bang pinag-uusapan ng dalawang ito? Hindi ako makarelate.



"Let's go Ry."



Inalalayan ako ni Michael papunta sa gitna. At katulad ni Throy, sumayaw din kaming dalawa.



"Grabe, kung hindi ko kayo naabutan kanina, baka naitakas ka na ni Throy.", tatawa tawang sabi ni Michael habang sumasayaw kaming dalawa.


"Naitakas? What do you mean?"


"Hindi mo pa ba nahahalata? Itatakas ka ni Throy para hindi ka maisayaw ng ibang lalaki."



Awtomatiko namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nyang iyon.



"Sabagay, kung ako man ang partner mo, naitakas na din kita.", dugtong pa nya habang ako ay hindi pa masyadong naiintindihan ang mga sinasabi nya.

FINDING MY GEMSΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα