CHAPTER 56

5.9K 201 15
                                    

Malachi 4:2

But for you who revere my name, the sun of righteousness will rise with healing in its rays. And you will go out and frolic like well-fed calves.







*****


RYSHA POV


"Dito na lang muna tayo.", sabi ko kay Michael.



Nandito na kami ngayon sa burol kung saan lagi akong tumatambay. Naglatag si Throy sa lupa gamit ang mga dahon habang maingat na inilapag naman ako ni Michael sa ginawang latag ni Throy.



"Salamat Michael.", nakangiting sabi ko.



Ngumiti sa akin si Michael habang si Throy naman ay walang ekspresyon ang mukha.


Lumuhod sa harap ko si Throy at pinagmasdan ang paa ko na may sprain. Hanggang sa may inilabas syang isang dahon na kulay violet. Maliit lang yun at manipis.



"Ano yan?", tanong ko sa kanya.


"Isang uri ng halamang gamot.", maikli nyang sabi sa akin.



Maingat nyang inilagay ang dahon sa ibabaw ng paa ko. Bigla yung umilaw at naramdaman ko naman ang sakit ng paa ko. Parang pinipilipit ang paa ko sa sobrang sakit.



"Tiisin mo na lang Ry, para gumaling agad ang paa mo."



Hinawakan ni Throy ang dalawa kong kamay. Hindi ko na lang pinansin yun dahil nararamdaman ko pa din yung sakit sa paa ko. Hanggang sa unti unti nang naglalaho yung dahon. Nung tuluyan na itong nawala ay nawala na din ang sakit ng paa ko.



"Subukan mong maglakad.", utos sa akin n Throy.



Sinunod ko na lang ang sinabi nya. Inalalayan pa nya akong makatayo. Then inihakbang ko ang paa ko at napangiti na lang dahil nawala na yung sakit ng paa ko. Tumakbo pa nga ako para masiguro na wala nang injury ang paa ko.



"Thank you Throy.", nakangiti kong sabi sa kanya.


"Sus, wala yun. Sanay na akong irescue ka lagi."


"Ano?"



Natigilan naman sya bigla habang ako ay nakatingin sa kanya. Anong ibig nyang sabihin na lagi nya akong nirerescue?

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now