CHAPTER 50

6.3K 223 23
                                    

Acts 20:35

In everything I did, I showed you that by this kind of hard work we must help the weak, remembering the words the Lord Jesus himself said: 'It is more blessed to give than to receive.' "






*****


RYSHA POV


"Ah guys, kailangan ko na palang umuwi. Ang paalam ko kasi sa parents ko ay hanggang 5pm lang."



Napatingin ako kina Lizeth at Zairah na ang lapad ng ngiti dahil sa sinabing iyon ni Audrey.



"Ganun ba, sayang naman Audrey. Hindi mo mapapanood ang fireworks mamaya.", sabi naman ni Aaron.


"Oo nga eh, pasensya na.", hinging paumanhin ni Audrey.


"Naku okay lang yun Audrey.", sabi naman ni Lizeth.



Napapailing na lang ako dun sa dalawa ni Lizeth at Zairah. Halatang halata sa kanila na ayaw nilang kasama itong si Audrey.



"Let's go Audrey."



Bigla akong napatingin kay Throy na hinawakan si Audrey sa kanyang braso.



"Uuwi ka na din Throy?", parang naiinis na tanong ni Zairah.



Tumingin naman sa akin si Throy bago nagsalita ulit.



"Ihahatid ko lang si Audrey. Babalik ako."



Habang sinasabi nya yan ay nakatingin lang sya sa akin.



"Sige, ingat kayo."



Umalis na yung dalawa. Yung mga boys naman ay nagpunta dun sa may video game habang kami nina Lizeth at Zairah ay naupo muna sa isang bench.



"Sa wakas, umuwi na din ang asungot."



Ang tinutukoy ni Lizeth ay paniguradong si Audrey. Hinampas ko naman ang kamay nya na ikinagulat nya.



"Kayong dalawa hah. Hindi tama yung inasal nyo kay Audrey."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon