CHAPTER 23

6.8K 255 3
                                    

Lamentations 3:23

They are new every morning: great is thy faithfulness.





*****


RYSHA POV


"Wag mo nang kakausapin si Cedrick hah."


Napatingin ako bigla kay Throy dahil sa sinabi nya. Seryoso syang nakatingin sa battlefield.



"What do you mean?"



Tumingin sya sa akin pero hindi ko mabasa ang kung ano mang iniisip nya.



"Hindi lingid sa kaalaman mo na may gusto sya sayo. At lalong hindi lingid sa kaalaman mo kung anong klaseng lalaki sya. Kaya iwasan mo na lang sya."


"Ikaw ang nakasaksi sa pangbabara ko kay Cedrick. Kaya hindi mo na ako kailangan warningan sa kanya."



Kahit naman kasi kulitin ako ng kulitin ni Cedrick, hindi ko sya papatulan. Nandito ako sa mundo nila para hanapin at bawiin ang mga gems ko, yun lang.



"Basta umiwas ka na lang sa kanya."



Hindi ko magets itong si Throy. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil hahaba lang ang usapan namin.


Tumingin na lang ako sa battlefield at saktong katatapos lang nung nagmatch na taga star section at yung kaklase namin. At syempre ang nanalo ay yung taga star section.



"The next will be Mr. Richard of Star section and.."



Pakiramdam ko ay ako na ang tatawagin dahil bigla na lang akong kinabahan.




"Ms. Rysha of Section B."



I knew it. Tatayo na sana ako nang biglang hawakan ni Throy ang kamay ko.



"Mag-iingat ka."



Seryoso nyang sabi sa akin.



"Kayang kaya mo yan Ry."



Pagchecheer naman sa akin ng barkada. Nginitian ko silang lahat then nagpunta na ako sa gitna ng battlefield.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon