CHAPTER 58

5.8K 208 6
                                    

3 John 1:14

I have no greater joy than to hear that my children are walking in the truth.




*****


RYSHA POV


*Cough! Cough! Cough!*

(ubo po yan, ganyan ubuhin si Rysha ^_^)



"Rysha, ayos ka na ba?", nag-aalalang tanong sa akin ni Michael.



Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napapalibutan ako nina Michael at nung ibang higante habang si Throy ay naglalakad palayo sa amin.



"Ano bang nangyari?", tanong ko sa kanila habang nakahawak sa noo ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.


"Nalunod ka sa water ball kanina.", sagot naman ni Michael.



Awtomatikong napatingin ako sa bundok kung nasaan ang gem ko. At napatayo na lang akong bigla dahil gumuho na ito at wala na ang gem ko.



"Sorry Rysha. Pero baka kasi hindi yun ang gem mo.", malungkot na sabi sa akin ni Michael.



Hindi na lang ako umimik at naglakad na lang din palayo sa kanila. Susundan sana ako ni Michael pero narinig kong pinigilan sya ni kuyang higante. Sabi nya ay baka kailangan ko daw munang mapag-isa which is true.


Naglakad lakad lang ako hanggang sa makakita ako ng isang ilog. Medyo malayo na ito kina Michael pero natatanaw ko pa naman sila. Umupo ako sa isang bato at hinayaan na mabasa ng ilog ang mga paa ko. Akala ko makukuha ko na ang gem ko kanina but I failed. Simpleng water ball lang ang nakatalo sa akin.



"Okay ka na?"



Napapitlag ako nung biglang may nagsalita. At pagtingin ko sa taas ng isang puno ay nakita ko si Throy na nakaupo sa isang sanga. Ang hilig nyang umakyat ng puno. May lahi ata syang unggoy. At ewan ko ba, nung makita ko sya, bumilis ang tibok ng puso ko.



"Yeah.", mahina kong sagot sa kanya.



Nagulat naman ako nung may ibinato sya sa akin, mabuti na lang na nasambot ko iyon. Pagtingin ko doon sa ibinato nya ay literal na napanganga ako.



"Pinaniniwala mo kami na kaya mong mag-isa Rysha. Inaalala mo ang kaligtasan namin pero hindi mo na naalala ang sarili mo. Paano kung hindi mo kami kasama kanina? Makukuha mo pa kaya ang gem mo na yan?", seryosong sabi nya.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now