CHAPTER 32

6.4K 230 4
                                    

Deuteronomy 31:6

Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you.






*****


THROY POV


6pm.


Napagdesisyunan ko nang umuwi sa bahay. Galing ako sa bar at dun muna tumambay para magpalamig ng ulo. At eto nga, kararating ko lang sa bahay.



"Bakit ngayon ka lang? Nasaan si Rysha?"



Yan agad ang bungad sa akin ni dad. Sa kanila kasing dalawa ni mama ay si dad ang may pagka time conscious. Okay lang naman sa kanya ang gabihin ako ng uwi basta ba daw ay lagi akong magpaalam.



"Wala pa po si Rysha?"


"Wala pa, akala ko magkasama kayo?"



Singit ni mama sa usapan namin. Kung si dad ay may pagkatime conscious, si mama naman ay laging may pagkaprotective.


Nagkibit balikat lang ako. Akala ko umuwi na si Rysha nung lumipad sya kanina. Madilim na sa labas, nasaan na kaya sya?



"Magpapalit lang po ako ng damit."



Umakyat agad ako sa kwarto ko at tinawag ko ang ibon ko na si Maya. Nung dumating sya sa kwarto ko ay parang bagong gising pa sya.



"Alam kong oras na ng pahinga mo, pero kailangan ko ng tulong mo."



Ipinagaspas ng alaga kong ibon ang kanyang mga pakpak.



"Hindi pa din umuuwi si Ry. Pwede bang pakihanap sya para malaman ko kung okay lang ba sya?"


"Masyado ka atang nag-aalala sa psyche?"



Sabi sa akin ni Maya. Oo, nagsasalita ang sya at minsan lang yan magsalita. At kapag nagsalita yan, kailangan nya muna ng magic word para pumayag sya sa pakiusap ko.



"Please."


"Ok."



Sabi na eh, kailangan munang magsabi ng 'please'. Tss.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now