CHAPTER 68

5K 166 7
                                    

1 Peter 4:11


If anyone speaks, he should do it as one speaking the very words of God. If anyone serves, he should do it with the strength God provides, so that in all things God may be praised through Jesus Christ. To him be the glory and the power for ever and ever. Amen.






*****


RYSHA POV


"Rysha, teka nga lang."



Hindi ko pinansin si Throy, dere deretso lang ako sa paglalakad. Kami na lang dalawa ang magkasama ngayon dahil naghiwa hiwalay na kami pagkapasok sa academy. Kami ay pauwi na ng bahay habang yung iba ay sa kanya kanyang dorm.



"Ry!"



Napatigil ako sa paglalakad dahil hinawakan ni Throy ang braso ko. Hindi ko sya tiningnan at tumingin lang ako sa ibang direksyon.



"Ano bang problema mo?", nag-aalalang tanong nya sa akin.


"Wala. Pagod lang ako."



Binawi ko ang braso ko sa kanya at naglakad na ulit. Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong nina tito at tita.



"Rysha, may sasabihin kami sayo.", seryosong sabi sa akin ni tito Jethro.



Pumasok kami sa bahay at nagderetso sa may sala. Medyo kinakabahan ako dahil parang masyado silang seryoso ngayon.



"Ano po yun tito Jethro?"


"May isang discovery ang sikat na sikat ngayon sa Earth Kingdom.", panimula ni tito.


"Discovery?", tanong naman ni Throy.


"Oo. Alam naman natin na maraming gem ang nahuhukay sa kalupaan ng Earth Kingdom.", sabi naman ni tita Riya.


"At may natagpuan silang isang gem nung isang araw. Nasa loob ito ng isang glass box. Sinubukan nila itong basagin ngunit walang makapagwasak sa glass box.", paliwanag naman ni tito Jethro.



Biglang umusbong ang kuryosidad ko sa sinabi ni tito Jethro. Isang gem na nasa loob ng glass box? Kung isa ito sa mga gem ko, bakit nasa glass box ito? Paano yun napunta dun?

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now