CHAPTER 33

6.4K 230 7
                                    

Isaiah 26:3

You will keep in perfect peace him whose mind is steadfast, because he trusts in you.






*****


THROY POV



Mahigit kalahating oras na mula nung inutusan ko ang alaga kong si Maya na hanapin si Rysha, at hanggang ngayon ay hindi pa sya nakakabalik. Nag-aalala na ako kay Rysha.


"Ma, wala pa po ba si Rysha?"


"Wala pa eh."


"Sige po, hahanapin ko na sya."


Dali dali kong tinungo ang pintuan namin at pagbukas ko nito ay bumungad sa akin si Rysha. Pareho kaming nagulat at natigilan pero ako ang unang nakabawi. Napatingin ako sa kasama nya.



"Throy."


Bati sa akin ni Michael, tinanguan ko lang sya at tumalikod na sa kanilang dalawa.


"Rysha, buti naman at nandito ka na. Saan ka ba galing?"


Hinawakan ako ni mama sa braso ko kaya hindi ako nakaalis sa pwesto ko. Babalik na dapat ako sa kwarto ko dahil nandito na naman si Ry kaso nga lang ay hawak ni mama ang braso ko.


"Hi tita, pasensya na po hah. Ipinasyal ko lang po kasi si Rysha kaya medyo ginabi na."


Paliwanag ni Michael. Ngumiti naman sa kanya si mama dahil kilala nya si Michael.


"Salamat sa paghahatid sa kanya. Pumasok ka na muna at dito ka na kumain ng hapunan."


"Naku next time na lang po tita. Gabi na din po kasi, baka abutin ako ng curfew."


"Ganun ba, sya sige. Sa susunod na lang. Salamat ulit sa paghahatid sa kanya."


"Michael, thanks."


Ginulo ni Michael ang buhok ni Rysha, umiwas na lang ako ng tingin.


"Sige, kita na lang tayo bukas. Good night."


"Good night."


"Throy, mauna na ako."


"Sige pare."



Pagkaalis ni Michael ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nahiga na. Nawalan na ako ng ganang kumain ng hapunan.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now