CHAPTER 67

5.3K 186 19
                                    

Romans 5:19

For just as through the disobedience of the one man the many were made sinners, so also through the obedience of the one man the many will be made righteous.






*****


THROY POV


Biglang nawalan ng malay si Rysha, mabuti na nga lang na nasambot ko sya. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin kay Rysha. Marahil ay naubusan sya ng lakas dahil sa ginawa nya kanina. Tss. Kasama nya nga ako pero wala naman akong nagawa para tulungan sya.


Binuhat ko na lang sya at ginamit ko ang element ko para makalipad kami at makarating agad sa bahay nina Brylle.


Pagkarating ko doon ay nakalock nga pala ang pintuan. Hindi din alam ng iba na lumabas kami ni Rysha, baka magising pa sila kapag pumasok ako. Kaya lumipad na lang ulit ako at nagderetso sa rooftop ng bahay nina Brylle. Meron naman kasing sofa doon kaya dun ko na lang inihiga si Rysha. Hindi naman sya lalamigin dito dahil nasa Fire Kingdom kami.


Umupo naman ako sa katapat na upuan nung sofa at malayang napagmasdan si Rysha. Siguro naman ay okay lang sya. Baka napagod lang at naubusan ng lakas kaya nawalan sya ng malay.


Humalumbaba ako at pinagmasdan ang mukha nya. Hanggang sa mapalipat ang tingin ko sa labi nya.



Hindi pwede? Pero nahalikan mo na sya ng dalawang beses.



Naalala ko na naman ang sinabi sa akin kanina ni Jhudiel kaya agad akong napaiwas ng tingin. Sumandal na lang ako sa upuan at pinagmasdan ang kalangitan. Pero bigla akong pumikit dahil parang naaninag ko ang mukha ni Rysha.


Nababaliw na naman ata ako. Nakikita ko na naman kasi ang mukha ni Rysha kahit saan ako tumingin.


Ilang saglit lang ay tumingin ulit ako sa kanya or more on tumitig sa kanya.


Ano bang ginagawa mo Rysha? Bakit nagkakaganito ako? You're driving me crazy.






RYSHA POV


Naalimpungatan ako bigla dahil parang may nanonood sa akin. At napatayo ako dahil nakatingin sa akin ang buong barkada.



"What?", tanong ko sa kanila.


"Anong ginagawa nyo dito? Bakit dito kayo natulog ni Throy?", tanong sa akin ni Aaron.



FINDING MY GEMSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora