CHAPTER 22

7.1K 270 22
                                    

Luke 1:68

Praise be to the Lord, the God of Israel, because he has come and has redeemed his people.




*****


RYSHA POV


"Ry, ready ka na ba?"


Yan agad ang tanong sa akin ni Lizeth nung makarating kami ni Throy sa classroom. Ngayon na kasi ang first ranking test namin at sobra akong kinakabahan. Sana hindi ko magamit ang lahat ng element ko mamaya.


"Slight."


Kabado kong sabi sa kanya.


"Okay lang yan. Don't worry, malakas ang paniniwala namin na mataas ang makukuha mong spot mamaya."


Pangchecheer up naman sa akin ni Michael. Nginitian ko na lang sya. Hindi naman kasi mahalaga sa akin kung anong ranking ang makukuha ko. Ang iniisip ko ay kung paano ko magagamit ang air element ko na hindi mahahalata ng council ang tunay kong pagkatao.



Panigurado, si Monique na naman ang top 1.


Oo nga, tapos top 2 si Nerissa. Naeexcite tuloy ako.


Sana sila na ang magmatch mamaya.



Ilan lang yan sa mga narinig ko sa mga kaklase namin. Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang test. Hinihintay na lang namin na tawagin kami para pumunta sa battle field.


First ranking test pa lang ay match na agad. Ibang iba na talaga ang elemental world. Ang dami nang nagbago.


"Classmates, tara na daw sa battle field."


Yung kaba sa dibdib ko ay dumoble pa dahil sa sinabing yun ng kaklase ko.


"Tara na."


Pagyayaya ni Zairah kaya tumayo na ako at sumabay sa paglalakad ng barkada. Hindi naman ganun kalayo ang battle field sa classroom namin kaya mabilis kaming nakarating doon.


Pagkapasok namin sa battlefield ay madami na ding estudyante ang nakaupo sa mga bleachers.


Napagpasyahan ng barkada na dun na lang pumwesto sa may pinakalikod. Bale ang arrangement ng upuan namin ay Brylle - Lizeth - Zairah - Ako - Throy - Michael - Aaron.



"Students, welcome to the first ranking test."


Napaayos agad ako ng upo nang biglang magsalita na yung emcee. Sa tingin ko ay myembro sya ng council base na din sa tindig at pananamit nya.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now