CHAPTER 12

7.9K 298 5
                                    

Colossians 3:15

Let the peace of Christ rule in your hearts, since as members of one body you were called to peace. And be thankful.




*****

RYSHA POV


"Ry, pwede ba tayong mag-usap?"


Napatingin ako bigla kay Michael ng magsalita sya. Nandito kasi kami sa may canteen dahil lunch break na. Katatapos ko lang din kumain nung magsalita sya.


"hoy ano yan? Sinasabi ko sayo Michael, wag ang pinsan ko."


Sabat naman ni Throy pero hindi kumibo si Michael. Seryosong seryoso lang syang nakatingin sa akin.


"Sige."


Sabay kaming tumayo ni Michael pero itong si Throy ay nakisabat na naman.


"Rysha, akala ko ba umiiwas ka sa playboy?"


Tumingin ako kay Throy. Umaandar na naman kasi ang pagkamakulit nya.


"Mag-uusap lang kami."


Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng canteen. Inantay naman ako ni Michael sa may pinto ng canteen then sabay na kaming naglakad papunta sa hindi ko alam na lugar.


Habang naglalakad ay iniisip ko na kung anong pwede kong sabihin kay Michael. Ayoko kasing sabihin sa kanya ang lahat lahat ng tungkol sa akin. Natatakot kasi ako sa maaari nyang maging reaksyon.


"Rysha."


Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin nya ako. Nandito pala kami sa may falls sa likod ng academy. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami dahil sa kaiisip ng sasabihin kay Michael.


"Sino ka ba talaga?"


Medyo kinilabutan ako sa boses ni Michael. Seryosong seryoso kasi sya tapos nakatingin pa sya sa akin.


"Kilala mo na naman ako diba? Ako si Rysha."


Napasabunot na lang sya sa buhok nya habang nakapikit. Parang nagpipigil sya ng inis. Napabuntong hininga na lang ako.


"I'm sorry Michael. Pero kasi, hindi ko pwedeng sabihin."


Naglakad sya palapit sa akin kaya napaatras ako.


"Kung ganun, ibalik mo sa akin ang gem ko."


Mariing nyang sabi sa akin. Awtomatikong napataas ang kilay ko sa sinabi nyang yun.


"Hindi sayo yun. That gem is mine."

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now