CHAPTER 73

4.8K 181 31
                                    

Proverbs 21:2

All a man's ways seem right to him, but the LORD weighs the heart.




*****


RYSHA POV


Bandang alas singko ay nagising na agad ako. Bumungad agad sa akin ang tulog na mukha ni Throy. Napaiwas nga agad ako ng tingin nung mapatingin ako sa labi nya. This feeling again -_- . Naramdaman ko din ang kamay nya sa bewang ko. Nawiwili ata ang lalaking ito sa pagyakap sa akin. Tss.


Maingat kong inalis ang kamay nya at dahan dahan bumangon. Nagawa ko naman yun ng walang nagigising pero nagkamali ako.



"Saan ka pupunta?"



Nilingon ko si Throy na nakahiga pa pero gising na. nakakunot pa ang noo nya at seryosong nakatingin sa akin.



"Magluluto lang ng almusal.", sagot ko naman sa kanya.



Napangiti sya at ipinikit ulit ang mga mata.



"Akala ko tatakas ka eh.", nakangiti pa din nyang sabi.


"Pwede din, salamat sa idea.", nakangiti kong sabi.



Bigla naman syang bumangon at sinamaan ako ng tingin. Napatawa na lang ako sa reaksyon nya. Lumabas na lang ako ng kwarto at bumaba sa may kusina. Mukang tulog pa si tita Riya dahil wala pa sya sa kusina, for the first ata na naunahan ko syang gumising.



Ilang saglit lang ay may narinig akong pababa ng hagdan. Lumingon ako doon, baka si tita Riya pero isang lalaki ang bumaba at halatang antok na antok pa.



"Antok na antok ka pa, matulog ka muna ulit. Maaga pa naman.", pagtataboy ko sa kanya.


"No, baka totohanin mo yung sinabi mo na tatakas ka.", seryoso nyang sabi sa akin.



And for the second time ay napatawa na naman ako. Sinulyapan ko lang sya at ibinalik na ang tingin sa ginagawa ko. Balak ko kasi na magluto ng fried rice. Sya naman ay umupo lang at pinanood ako sa ginagawa ko. Medyo nailang pa nga ako sa tingin nya. Then maya maya ay tumayo sya at kumuha ng isang tasa.



"Anong gagawin mo?", tanong ko sa kanya.


"Magtitimpla ng kape.", deretso nyang sabi.


FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now