CHAPTER 48

6.3K 218 18
                                    

Hebrews 11:1

Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.






*****


RYSHA POV


Linggo. Alas singko pa lang ng umaga ay umalis na agad ako ng bahay.


Panigurado kasing pagkasikat na pagkasikat ng araw mamaya ay dadating na ang mga kaibigan ko. Nagpumilit kasi sila na sumama sa akin ngayon para hanapin ang iba ko pang gem. Pero dahil nga ayoko nang madamay pa sila, tinakasan ko na lang sila kaya inagahan ko ang alis sa bahay. Bahala na lang mamaya kung anong paliwanag ang gagawin ko.


Nandito ako ngayon sa burol kung saan lagi akong nakatambay para magmasid sa buong elemental world. Medyo madilim pa ngayon dahil alas singko pa lang. Tahimik pa din ang buong elemental world pero may ilan ilan nang gising. Ang iba ay nagwawalis ng kanilang bakuran, ang ilan naman ay nagpapakain na ng mga alaga nilang hayop.


Sa academy naman ay tahimik na tahimik. Ang ibang estudyante kasi ay umuwi sa kani kanilang home kingdom dahil weekend naman, at yung iba ay mga tulog pa dahil wala namang pasok ngayon.


Ibang iba ito sa kinalakihan kong psyche world. Doon kasi, pagsapit ng alas singko ay gising na kaming lahat. Sabay sabay kaming kumakain ng almusal at pagkatapos nun ay mag-eensayo na kaming dalawa ng kapatid kong si Akeeyan. Ang iba namang psyche ay gagawin na ang mga responsibilidad nila bilang isang psyche.


Minsan nga ay nagsasawa na kami ni Akeeyan na mag-ensayo kaya tatakas kami at pupunta sa kagubatan ng psyche world para magmasid masid doon. Paminsan minsan din naman ay pinapanood lang namin ang mga elementalist sa pang-araw araw nilang buhay.


At sa paminsan minsan ding yun ay nahuhuli kami nina mommy at daddy. Papagalitan kami ni mommy at si daddy naman ay ngingiti lang sa amin at pinagtatanggol nya kami kay mommy. After nun ay sabay sabay na kaming apat na babalik sa sentro ng psyche world para kumain ng tanghalian.


Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga yun. Hayyy. Namimiss ko na ang psyche world. Namimiss ko na ang pamilya ko.


Pero kung tutuusin, madami akong naranasan at nakita sa mundong ito na wala sa psyche world. Dito kasi sa elemental world, madaming elementalist ang nakasalamuha ko. Meron silang kanya kanyang katangian at kakayahan. Meron pa nga akong mga nabara at nakaaway. Nakita ko din ang iba sa kanila kung paano makipaglaban sa mga hamon ng buhay at kung paano magpakatatag.


Siguro nga, kapag tinimbang kung alin ang mas sanay sa buhay, yun ay ang mga elementalist. They are more prone to problems and pains compared to us. They are stronger than us. Dahil pinalakas sila ng mga pinagdadaanan nila sa araw araw.



Naputol ang malalim kong pag-iisip nung may marinig akong parang nag-uusap. Hindi sya kalayuan sa pwesto ko kaya dinig na dinig ko ang mga boses nila.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now