CHAPTER 15

7.5K 295 3
                                    

John 14:6

No one comes to the Father except through Me.




*****

RYSHA POV


"Hoy babaeng brown ang buhok."


Napatingin ako kay Nerissa na nasa harapan ko pala at nakataas pa ang kilay nya.


"Alam kong brown ang buhok ko. Hindi mo na kailangang ipaalala."


Walang gana kong sabi. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa librong nakita ko dito sa library.


"Bastos ka talaga noh? Kabago bago mo pa lang, akala mo kung sino kang maganda."


Napangisi na lang ako. Pasensya na Throy pero hindi ko kayang itolerate ang ugali ni Nerissa.


"Sa pagkakaalam ko ang bastos ay yung walang suot na damit. And as you can see, may damit naman ako."


Nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng mga kamay nya.


"Nanghahamon ka ba talaga?"


"Sandali lang hah, sa pagkakaalam ko kasi, ikaw ang unang lumapit sa akin. So paano nangyari na ako ang nanghahamon?"


Napipikon na ako sa babaeng ito. Hindi ko alam kung saan nya dinadala ng utak nya. Tss.


Akmang sasampalin nya ako pero agad ko iyong nasalo. Mahigpit kong hinawakan ang pulsuhan na ipangsasampal nya sana sa akin.


"Kung inaakala mo na katulad ako ng iba na magpapabully lang sayo, pwes nagkakamali ka. Ibahin mo ako Nerissa. YOU DON'T KNOW ME!"


Capslock na yan para intense. Naubos na kasi ang pasensya ko. Yung tipong nananahimik ako tapos bigla na lang syang lalapit sa akin para awayin ako. Nakakairita.


Hinigit nya ang kamay nya kaya nabitawan ko na yun. Tinulak nya ako ng malakas kaya medyo napaatras ako.


"6pm, sa training field. Kapag hindi ka dumating, I will ruin your life or maybe your friends."


Pagkasabi nya nun ay nilampasan nya ako at binangga pa ang balikat ko. Napailing na lang ako. Paano ako makakapagfocus sa paghahanap ng mga gem ko kung may epal na akala mo kung sino. Tss.







*****


FINDING MY GEMSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin