CHAPTER 45

6.2K 214 11
                                    

Corinthians 13:4

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.





*****

RYSHA POV


Patuloy lang ako sa paglipad at konting konti na lang ay malapit na kaming makalabas ng gubat. Nakakapagtaka nga lang dahil parang masyadong payapa ang paligid namin. Ayon kasi kina Zairah ay marami daw kaming makakasalubong na creatures o kaya naman ay ibang grupo. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa din kaming makita. Ang weird naman.


At sa labis na pag-iisip ko ay hindi ko napansin na may nabangga na pala ako. Malakas ang impact ng pagkakabangga ko kaya nawalan ako ng balanse at tuloy tuloy na bumagsak.


Pero bago pa man ako makabagsak ay nasambot na ako ng isang sanga ng puno. Gumalaw ang sanga at dahan dahan akong ibinaba malapit sa barkada.



"Thanks Throy.", mahina kong sambit.



Alam ko naman kasing sya ang kumontrol sa sanga ng puno, sya lang naman kasi ang Earth Elementalist sa amin.



"Diba sabi ko sayo mag-ingat ka. Anong nangyari sayo?", may halong inis na tanong ni Throy.


"May nabangga kasi ako."



Tumingala ako sa parteng nabangga ko pero napanganga na lang ako dahil wala namang kahit na anong bagay dun. Clear na clear yun at imposibleng may mabangga ako.



"Nagpapatawa ka ba Ry? Saan ka mababangga dyan?", tatawa tawang sabi ni Lizeth.



Iimik na sana ako kaso bigla na lang may bumagsak sa amin na malaking bato. Buti na nga lang at agad kaming nakaiwas. Inilibot ko ang paningin ko kung saan nanggaling ang bato pero wala akong makita.


Pagkatapos ng malaking bato ay umulan naman ng maliliit na bato kaya agad akong gumawa ng shield para sa amin. Gumawa din ng shield sina Aaron at Michael dahil walang humpay ang pagbagsak ng mga bato mula sa hindi ko alam.


Para itong biglang sumusulpot sa ere at bumabagsak sa lupa. Pero imposible namang wala itong pinanggagalingan.



"Kailangan na nating makalabas ng gubat.", sabi ni Brylle.


"Hindi tayo basta basta makakalabas dito.", sabi ko sa kanila.



Tumingin ako kay Throy na pinapagalaw ang mga punong nasa paligid namin para takluban kami.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now