CHAPTER 37

6K 224 1
                                    

1 John 1:5-7

This is the message we have heard from him and declare to you: God is light; in him there is no darkness at all. If we claim to have fellowship with him yet walk in the darkness, we lie and do not live by the truth. But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship with one another, and the blood of Jesus, his Son, purifies us from all sin.







*****


RYSHA POV


Bandang alas singko ng umaga ay nagising na ako at bumangon. Naligo ako at nagbihis, pagkatapos ay agad akong bumaba sa kusina. Naabutan ko pa si tita Riya na nagluluto ng almusal. Nagulat pa nga sya ng makita nya ako at agad sinapo ang noo ko.



"May sinat ka pa Ry, kaya mo na bang pumasok?", punong puno ng pag-aalala na sabi ni tita.


"Okay na po ako tita at saka gusto ko pong makausap yung babaeng sinasabi nyo kagabi."



Tumingin sa akon si tita, pinatay nya ang gasul at hinila ako sa may salas.



"Sa tingin ko ay hindi mo sya makakausap ng matino, dahil maya't maya syang naghahallucinate."



Hinawakan ko ang dalawang kamay ni tita na nakapatong sa lamesa.



"Tita, please po. Kailangan kop o syang makita."


"Sige, dadalhin kita sa kanya."



Kumain muna kami ng almusal bago pumunta sa House of Council. Kasama din namin si tito Jethro at Throy. Ewan ko ba dito kay Throy kung bakit sumama din sya.


Pagkarating namin sa House of Council ay nagderetso agad kami sa isang kwarto sa bandang dulo.



"Hihintayin ka namin dito Rysha"



Tumango ako sa kanila at mag-isang pumasok sa kwarto. Isang inosenteng babae ang bumungad sa akin, ibang iba sa babaeng nakita ko kagabi. Nakaupo sya sa kama nya at tulala. Suot pa din nya yung chainbreak sa dalawang kamay.


Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya.



"Hi, ako si Rysha. Anong pangalan mo?", nakangiti kong tanong sa kanya.


FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now