EPILOGUE

7.1K 190 37
                                    

Proverbs 14:34


34 Righteousness exalts a nation, but sin condemns any people.




*****

*****

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


THROY POV


"Throy, okay ka lang?"



Napalingon ako kay Jhudiel nung tinanong nya ako. Lahat pala sila ay nasa akin na ang atensyon. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng lunch at eto nga, bigla na lang akong tinanong ni Jhudiel.



"Yeah.", mahina kong sagot.


"Are you sure? Napapansin kasi namin lately na lagi kang tulala. May problema ba?", tanong naman sa akin ni Lizeth.



Umiling lang ako bilang sagot ko sa kanila. Hindi na din naman sila nangulit pa at ibinalik na lang ang atensyon sa pagkain.


Palihim ko silang pinagmasdan. Zairah, Lizeth, Jhudiel, Michael, Brylle and Aaron. Napailing na lang ako dahil sa nararamdaman ko.


Nag-umpisa ito nung magising na lang ako bigla last week. It's a normal day pero parang may kulang sa akin. Parang may parte ng pagkatao ko ang bigla na lang nawala. Bigla bigla na lang akong nakakaramdam ng lungkot. Minsan pa nga ay narerealize ko na lang na umiiyak na pala ako. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Tinatamad akong bumangon sa umaga, nawawalan ako ng gana sa pagkain at kahit nagkakasiyahan na ang buong barkada, pakiramdam ko ay may lungkot na naninirahan sa pagkatao ko kaya hindi ko magawang makisabay sa pagsasaya nila.


Para akong isang zombie, humihinga pero walang buhay. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Alam kong may malaking kulang sa buhay ko pero hindi ko matukoy kung ano yun.


At ang isa pang problema, kapag napapatingin ako sa mga kaibigan ko, pakiramdam ko ay may kulang sa amin. Kahit alam kong kumpleto kami, parang may isa pa na nawawala. At pakiramdam ko ay hindi kami kumpleto. Weird.


Gusto ko na ngang isipin na nababaliw na ko dahil sa mga wirdong nararamdaman at naiisip ko. Ewan ko ba. Gulong gulo na ako.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now