CHAPTER 31

6.4K 240 10
                                    

Psalm 40:3

3He put a new song in my mouth, a hymn of praise to our God. Many will see and fear and put their trust in the LORD.





*****


RYSHA POV


"Throy, wait lang."



Kaaawas lang namin at itong si Throy ay hindi pa din ako pinapansin. Nagmamadali nga syang lumabas ng training field kaya tumakbo agad ako para mahabol sya.



"What?"



Medyo natigilan ako. Para kasing naiinis sya or badtrip? Naiinis ba sya dahil nilapitan ko sya?


Parang narealize naman nya na nagulat ako kaya umiwas agad sya ng tingin sa akin at huminga muna ng malalim bago magsalita ulit.



"Mauna ka na sa bahay. May pupuntahan pa ako."



Mahinahon na ang boses nya. Tumalikod na ulit sya sa akin pero hinawakan ko agad sya sa braso nya kaya napatingin ulit sya sa akin.



"Iniiwasan mo ba ako?"



Deretsong tanong ko sa kanya. Medyo napalakas pa nga ang boses ko kasi naagaw namin ang atensyon ng barkada. Lumapit agad sila sa aming dalawa.



"Ano bang pinagsasabi mo?"



Tumalikod na ulit sya.



"Iniiwasan mo ako Throy, hindi ako manhid para hindi maramdaman yun!"



Naramdaman kong hinawakan ni Michael ang kamay ko pero hindi ko na lang pinansin. Nakatingin lang ako kay Throy na nakatalikod pa din sa akin at wala atang balak na harapin pa ako.



"Hindi lang tayo nagkasabay ng pagpasok pati ang pag-uwi ngayon, nagkakaganyan ka na. Hindi sa lahat ng oras lagi tayong magkasama Rysha. Pinsan LANG kita."




"THROY!"



Sabay sabay na sabi ng barkada namin. Hindi ko lang alam kung lahat sila ay nagsalita. Paulit ulit kasing nag-eecho sa utak ko yung sinabi nya. Mas lalo namang humigpit ang hawak sa akin ni Michael.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now