CHAPTER 79

5.3K 199 47
                                    

2 Corinthians 4:17

17 For our light and momentary troubles are achieving for us an eternal glory that far outweighs them all.   






*****


RYSHA POV


"Kailan kaya sya magigising?"


"Sana maging okay na sya."



Narinig ko ang pag-uusap ng mga kaibigan ko pero nanatili akong nakapikit. Wala lang, gusto ko lang marinig ang pag-uusap nila.



"Si Rysha pa ba? Eh wala naman yang inuurungan eh.", narinig kong sabi ni Brylle.


"Oo nga. Kayang kaya nya yan.", proud na sabi naman ni Lizeth.


"Pero isang linggo nang walang malay si Rysha.", malungkot na sabi naman ni Zairah.



What? Isang linggo na akong tulog? Pero bakit?


Inalala ko ang mga nangyari. Si Nerissa at ang mga gem ko. Ang huling naaalala ko ay pumasok sa katawan ko ang lahat ng gem. Ibig bang sabihin nun ay tapos na ang misyon ko? Pero bakit nandito pa din ako? Bakit wala pa din ako sa Psyche World.



"Hindi pa din ba nagpapakita ang mga magulang nya at ang ibang psyche?", narinig kong tanong ni Aaron.


"Hindi pa din. At hindi ko alam kung bakit.", sagot naman ni Throy.



Bigla akong nakaramdam ng lungkot nung marinig ko ang boses ni Throy. Sobra kong namiss ang boses nya. At gusto ko syang yakapin ngayon ng mahigpit. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya. Pero para saan pa? One of this days, magkakahiwalay na kaming dalawa. Babalik ako sa mundo ko at maiiwan sya sa mundo nya. Walang patutunguhan ang pagmamahalan naming dalawa.


Gusto kong magpanggap na wala pa ding malay hanggang sa kaunin ako dito nina daddy. I hate goodbyes lalo na ngayon na napalapit ng husto sa akin ang mga kaibigan ko. Hindi ko kayang magpaalam sa kanila lalo na kay Throy.


Mom, Dad, nasaan na po ba kayo? Bakit hindi nyo pa ako sinusundo?



"Throy, kailangan na pala naming umalis.", narinig kong sabi ni Jhudiel.


"Babalik na lang kami bukas.", sabi naman ni Michael.


"Mag-iingat kayo."

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now