CHAPTER 65

5.2K 190 11
                                    

2 Corinthians 5:14-15


For Christ's love compels us, because we are convinced that one died for all, and therefore all died.And he died for all, that those who live should no longer live for themselves but for him who died for them and was raised again.






*****

RYSHA POV


"Huy Brylle, sino yung sinasabi nung mind reader kanina hah? Pumapag-ibig ka na?", pang-aasar ni Lizeth kay Brylle.



Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kasalukuyang kumakain. Habang itong si Lizeth ay kanina pa kinukulit si Brylle.



"Tss. Tumigil ka na nga.", naiinis na sabi ni Brylle.


"Sus, sino ba kasi yun?", pangungulit pa ni Lizeth.



Kami naman ay nakatingin lang sa kanila at pinapanood silang mag-away. Lagi naman kasing magkaaway yang dalawa na yan. Pero iba ngayon, kasi si Brylle ang mukang napipikon na.



"Wala nga kasi."


"Eh bakit ayaw mong sabihin?"



Mas lalong lumapit si Lizeth kay Brylle at hindi nakatakas sa paningin ko ang biglang pamumula ni Brylle. Umiwas sya ng tingin kay Lizeth at tumungo.



"Kahit naman sabihin ko kung sino yung tinutukoy nya, wala pa ding mangyayari.", malungkot na sabi ni Brylle.


"Paano ka naman nakakasiguro?", nakisabat na sa usapan si Aaron.


"Because she hates me for an unknown reason."



Habang sinasabi nya yun ay nakatingin sya kay Lizeth. Parang nagulat naman si Lizeth at hindi na nakapagsalita pa. Hanggang sa tumayo na lang si Brylle at lumabas ng restaurant. Dun na ata natauhan si Lizeth dahil tumingin sya sa amin na nagtataka.



"Anong nangyari dun?", tanong nya sa amin.



Napatampal naman sa noo nya si Aaron, si Zairah ay napairap na lang. Habang sina Michael at Throy ay napailing na lang.



"Manhid.", sabi ni Michael.


FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon