CHAPTER 24

7.1K 258 8
                                    

Job 31:32

No stranger had to spend the night in the street, for my door was always open to the traveler.





*****


RYSHA POV


"Ito na ang allowance mo. Congrats Ms. Ferrer."



Nakangiting sabi sa akin nung staff ng academy habang inaabot sa akin ang isang puting envelope. Nginitian ko sya then lumabas na ako sa opisina.


Nag-aabang naman sa akin ang barkada sa labas ng opisina.



"Kamusta Ry?"



Nakangiting tanong sa akin ni Lizeth. Itinaas ko naman ang hawak kong envelope. Napasigaw naman sa tuwa sina Lizeth at Zairah habang ang boys ay nakatakip ang tenga. Napatawa na lang ako sa kanila.



"I'm sure nakatyamba lang yan."


"Oo nga, o baka naman pinagbigyan lang ni Richard kasi baguhan lang."


"Akala mo kung sino na. Eh wala nga syang nagawa kay Nerissa."



Napatingin ako dun sa isang grupo ng mga estudyante na nakatambay malapit sa amin. Pinagtaasan naman nila ako ng kilay at yung iba ay tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.



"Hayaan mo na lang Ry."



Mahinahong sabi sa akin ni Throy. Bumuntung hininga na lang ako.



"Wala akong balak patulan sila. Wag kang mag-alala."


"Mabuti naman kung ganun."



Napairap na lang ako sa kanya. Wala naman talaga akong balak patulan yung mga babaeng yun kahit na gustong gusto ko na silang paliparin palabas ng academy.


Oo, maldita ako at hindi mabait. Hindi ako katulad ni mommy na napaka maintindihin at napakabait. Pero syempre, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pumapatol ako sa katulad nila.



"Tara na lang maggala bukas guys dahil may allowance na si Ry. This is a celebration."


Excited na sabi ni Zairah.


"Oh yan ka na naman. Kaya nauubos agad ang allowance."

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now