CHAPTER 46

5.6K 200 11
                                    

Isaiah 40:30-31

30Even youths grow tired and weary, and young men stumble and fall; 31but those who hope in the LORD will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.







*****

RYSHA POV


"Throy."


Sabay kaming lumingon sa tumawag kay Throy. At sana pala hindi na lang ako lumingon, hindi naman kasi ako yung tinawag. Tss.




"Audrey."


Gulat na sabi ni Throy, lihim akong napairap dahil hindi maganda ang nararamdaman ko sa mangyayari.



"Yung flag."



Gusto ko nang kunin yung flag dahil alam kong kalaban namin si Audrey pero parang nabato ako sa pwesto ko. At hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang makagalaw.



"Sigurado ka ba na kukunin mo yung flag Throy?"



Tumingin ako kay Throy na nakatungo lang.



"Throy.", tawag ko sa kanya kaya agad syang tumingin sa akin.


"Let's go Ry."



Literal na napanganga ako dahil sa sinabing iyon ni Throy. Lalo na nung hinila nya ako palabas ng kwarto.


Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya.



"Ano Throy? Anong kalokohan ito?"


"Sa bahay ko na lang ipapaliwanag. Now, let's go."


"Teka la----"



Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagbago ang paligid namin. Nandito na ulit kami sa training field. At hawak na ni Audrey ang flag.



"Congratulations sa group C ng star section. Sila ang nanalo sa Second Ranking Test.", sabi nung MC kaya naghiyawan ang lahat ng mga taga star section.

FINDING MY GEMSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant