CHAPTER 63

5.7K 190 4
                                    

Romans 10:17

17 Consequently, faith comes from hearing the message, and the message is heard through the word about Christ.




*****


RYSHA POV



"Magandang gabi po.", sabay sabay naming bati sa mga magulang ni Brylle.



Nakapagpaalam na kami kina tita Riya at tito Jethro na mag oovernight kami kina Brylle. Pumayag naman sila agad dahil kilala naman daw nila ang mga magulang ni Brylle.


And nandito na nga kami sa bahay nina Brylle. Malaki pala ang bahay nila at ramdam na ramdam na nasa fire kingdom kami dahil sa mga nakadisplay sa buong bahay pati na din ang disenyo nito.



"Magandang gabi din naman. Oh sya, halika muna kayo at maghapunan.", sabi ni tita Lucille, ang mama ni Brylle.



Pumasok na kaming lahat sa bahay at nagderetso agad sa kusina. May mga nakahain nang mga pagkain sa mesa at itong barkada ay kanya kanya nang sandok ng pagkain. Ako naman ay nanatili lang na nakatingin sa kanilang lahat.



"Masanay ka na sa kanila. Ganyan talaga sila dito sa bahay kaya nga gustong gusto nila na dito matulog ngayon.", tatawa tawang sabi ni Brylle.


"Rysha, ito oh. Kumain ka na."



Iniabot sa akin ni Throy ang isang plato na punong puno ng pagkain.



"Thanks. Pero bitay ko na ba bukas? Ang dami nito eh.", pabiro kong sabi sa kanya.


"Sus, alam ko namang kulang pa sayo yan eh.", tatawa tawang sabi nya sa akin.


"Grabe ka naman.", yun na lang ang nasabi ko.



Nagsimula na din akong kumain tulad nung iba. Habang kumakain ay napansin kong tahimik ang buong barkada. Lahat ay seryosong kumakain. Walang pakialamanan lang ang peg. Nakakatuwa dahil ngayon ko lang ata nakita ang barkada na ganito. Enjoy na enjoy sila sa pagkain. Sabagay, masarap naman talaga ang mga pagkaing inihanda ng magulang ni Brylle.



After naming kumain ay nagyaya muna si Brylle na tumambay. Kaya nandito kami ngayon sa rooftop. Sosyal, may rooftop ang bahay nila. Kitang kita mula dito ang buong Fire Kingdom. Nakakatuwa dahil puro apoy ang nagsisilbing liwanag sa buong kaharian.

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now