BAKASYON 1

1.5K 77 22
                                    

"Grabe! Di talaga ko makapaniwala na graduating na tayo sa isang buwan."

Ngiting-ngiti na sabi ni Francey sakanyang mga kaibigan--Ang pinaka kikay sa pitong magkakaibigan. 

"Kaya nga e,maski ako hindi rin." Sabi ni Edzel at lumingon siya kay Ross.

"Oy,Babe! May naisip ka na bang pwede natin pagbakasyunan? tutal,graduating naman na tayo."

Tanong ni Edzel sa kasintahan na si Ross.

 
"Wala pa nga babe e...Hindi naman pwede kila mama,alam mo naman na may sakit si mama diba?"

Sagot ni Ross sa tanong ni Edzel at pinisil nito ang kamay na nakahawak sakanya.

Tahimik naman na nakaupo sa isang sulok si Mon. Ang tahimik at emo sa kanilang pito na kapag kakausapin mo lang ay doon lang kikibo.

"Hindi naman yan kailangan sa pag-aaral natin kaya wag n'yo nang problemahin.
Pagbabakasyon? ano bang mapapala natin sa pagbabakasyon sa kung saan?
Pwede naman tayong magbonding bonding na lang. Gala at foodtrip--yung diyan-diyan lang,wag na tayong lumayo pa."

Sabat ni Ylona ng marinig ang pinag-uusapan ng grupo.Siya ang simple ngunit tinaguriang killjoy sakanila.

"Napaka-killjoy mo talaga,edi bahala ka. Kami magbabakasyon,ikaw maiwan ka."

Pataray na sabi ni Francey at akmang aalis na.

"Kailangan bago matapos 'tong highschool life natin.Mag bonding-bonding muna tayong magkakaklase para naman pag nagkanya-kanya na tayo sa college life,may mga masasayang memories tayo."

Humahagikgik na sabi ni Giegie at nag peace sign pa. Siya naman ang adventurer na isip-bata sakanila.

"May tama ka,Giegie. Kung doon na lang kaya tayo sa bahay ng lola ko magbakasyon? Maraming kayong ma-e-experience dun."

Sabi ni Macky--Ang matalino at joker naman sakanilang pito.

"Hoy! Insan sama ka kila macky ha."

Aya ni Giegie kay Mon at inalis ang earphone sa tenga ng pinsan niya.

Tumango lang si Mon at binalik niya uli sakanyang tenga ang earphone.

Pasimple siyang tumingin sa direksyon ni Ylona. 

Pinagmasdan niya ang maganda at maamong mukha nito.

Matagal at palihim niya itong iniibig at pinagmamasdan,ngunit tila parang balewala lang s'ya kay Ylona dahil hindi nito napapansin ang malalim niyang pagtingin sa dalaga.

***

ALAS-TRES ng hapon na nakauwi si Francey,galing sa mall.

Bumili siya ng mga kakailanganin niya sa bakasyon nila.

Nagsimula na siyang mag-empake ng ilang mga gamit para sa pagbabakasyon nila sa bahay ng lola ni Macky.

***

SAMANTALA...

"Babe,nakapagpaalam ka na ba kay mama?"

Tanong ni Ross kay Edzel. Tinutukoy niya ang mga magulang ni Edzel na strikto.

"Hindi pa pero wag kang mag-alala papayagan ako nun."

Sagot ni Edzel sa kasintahan at mabilis na hinalikan sa labi.

"Kay tita pala? Nagpaalam ka na?"

Tumango naman si Ross at yumakap sa kasintahan.

"I love you...Sana gumaling na si Tita."

Bulong ni Edzel kay Ross at marahan na hinaplos-haplos ang buhok nito.

" I love you too...Sana nga"

***

*Don't forget to click the vote,if you liked this chapter*

Itutuloy...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now