BAKASYON 14

591 25 3
                                    

Dedicated to : MCimplegurl_o811

Henloo sayo, Eto na yung UD na pinakahihintay mo. Sorry kung natagalan, and thanks sa pagbabasa ^o^

***

ALAS-DOSE ng gabi...

Nakaupo na sa likod-bahay sina Giegie,Ross,Macky,Mon at Ylona.

Napapalibutan sila nang itim na kandila at sa gitna nila ay may bungkal na lupa na ipapahid nila sa kanilang mga mata.

Sinimulan na ni Macky ipahid sa kanyang mga mata.

Ganun din ang ginawa nila Ylona.

Hindi alintana sa kanila kung umuulan.

Ibat-ibang imahe ang nakita ni Macky.

Magulo at malabo. Yun ang mga imahe na nakikita ni Macky.

Nakatayo ang batang lalaki na si Macky sa likod-bahay ni lola Epifania, kasama nito ang kanyang lolo Ermitio.

Biglang nag-iba ang mga nasa paligid, kung naroon sya kanina sa likod-bahay ay hindi nya mawari kung nasaan na sya napunta.

"Tigilan mo na itong mga kasamaan mo Rafael!"

Naguguluhan na nakatingin si Macky sa nagsalitang matandang babae.

Malabo ang itsura nito gayundin ang matandang lalaking kausap nito.

Nagulat sya ng tinabig ng matandang babae ang mga itim na kandila,nahulog ang mga ito at nagsimulang umapoy.

Nanlilisik ang mga mata ng matandang lalaki sa ginawa ng babae.

Sinakal nya ito.

"Wala ka talagang pakinabang Rosalinda!
...puro ka tutol sa aking mga plano,dapat sayo ay turuan ng leksyon!"

Mariin na sinakal ng matandang lalaki ang tinutukoy nyang 'Rosalinda'

Nahihirapan na itong huminga dahil sa pananakal hindi malaman ni Macky ang kanyang gagawin upang tulungan ang matandang babae.

Nagsimula naring magliyab ang sahig at ang librong nakapatong sa gitna niyon.

Napansin naman ito ng matandang lalaki kaya itinigil na nya ang pananakal sa matandang babae.

Sinamantala naman iyon ni 'Rosalinda' upang tumakas.

Nilapitan nya ang librong unti-unti ng nagiging abo.

Wala sa sariling umiling-iling sya.

"A-ang libro ng diyablo, Hindi! Hindi sya pwedeng masira...HINDI MAAARI!"

Tuluyan ng nilamon ng apoy ang buong kabahayan maging ang matandang lalaki.

Nagulat si Macky ng mag-iba uli ang senaryo nakita naman n'ya ang matandang babae na tumatakbo,tila tumatakas dahil sa pananakal na ginawa ng matandang lalaki.

Walang lingon-likod ito habang tumatakbo at hindi lingid sa kaalaman nito ang paparating na sasakyan.

Nais sana ni Macky tulungan ang matandang babae ngunit hindi s'ya makagalaw sa kanyang kinatatayuan para s'yang naestatwa. Wala ring lumalabas na boses sakanya.

Sa bilis ng pangyayari nahagip ng sasakyan ang tumatakbong matandang babae.

Bago mawala ang mga imahe sa isip ni Macky ay may napansin s'ya sa braso ng matanda.

***

itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now