BAKASYON 2

989 45 21
                                    

"Ahmm. Mommy?"

Dahan-dahang binuksan ni Ylona ang pinto ng kwarto ng mama niya. Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kama at may kausap sa telepono.

Hindi siya nito napansin kaya nagtuloy-tuloy lang siya.

"Pwede po ba akong pum---"

Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ng sinenyasan siya ng mama niya na lumabas.

Hindi parin siya umaalis sa kinatatayuan,hinihintay na baka tanungin siya nito kung ano ba yung dapat niyang sasabihin kanina.

Sa wakas,nilingon narin siya ng kanyang ina na may halong pagkairita.

Ibinaba nito ang telepono na kaninang hawak na nakatapat sa tenga.

"Can't you see i'm busy,Ylona?! Pinapairal mo na naman yang katigasan ng ulo mo!" Napayuko siya sa sinabi nito. "Kausap ko ang manager ko at trabaho ko ang nakasalalay dito,palibhasa puro sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi ka talaga nag-iisip!"

Gusto na niyang umalis ngunit napako lang siya sa kinatatayuan niya.

Gusto niya rin magsalita upang itama ang pinaparatang sakanya ng kanyang ina.

Ngunit ni isang boses walang lumalabas na salita.

Nang matapos ito na sigawan siya ay binalik uli nito sa tenga ang telepono.

"Hello,sir? Opo,the meeting tomorrow will start at 8 a.m with Mr.Macinas"

Malungkot na tumalikod siya at isinara ang pinto ng kanyang ina.

'Kailan kaya ako pagtutuunan ng pansin ni mommy? Kapag patay na kaya ako?'

Sabi ni Ylona sa kanyang isip at kasabay ang pagtulo ng luha sakanyang mga mata.

Palagi na lang kaseng inuuna ng kanyang mommy ang pagtatrabaho.

Hindi manlang n'ya naranasan ang maalagaan ng isang magulang,maaga pang namatay ang kanyang ama dahil inatake ito sa puso nung bata pa lamang siya.

***

"Hoy,Giegie! Saan ka na naman pupunta at nag-e-empake ka pa?"

Nakapamewang na tanong ng kanyang inggiterang kapatid na si Jaja.

Nagpantig ang tenga niya sakanyang narinig. Aba kelan ba siya huling umalis para sabihin sakanya ang mga salitang ganun! Ni ngayon nga lang siya sasama na magbakasyon sakanyang mga kaibigan.

Naiinis na hinarap niya ito. Nawawala ang pagka isip-bata niya sa tuwing makakaharap niya si Jaja.

"Magbabakasyon ako kila Macky para mapahinga naman yung ulo ko sa'yo!"

Naiinis na sabi ni Giegie sa kanyang kapatid.

Mas matanda ng isang taon si Giegie kesa kay Jaja ngunit kung makapagsalita ito sa ate niya ay parang siya pa ang mas matanda. Ni hindi niya nga tinatawag na ate ang nakakatanda niyang kapatid.

"Isusumbong kita kay Dad!"

Dali-daling itong umakyat sa hagdan at padabog na kinatok ang pinto ng ama nila.

Bumukas ang pinto at kinausap ito ni Jaja, kung ano-ano ang isinusumbong nito sa ama na siya namang nag-init kaagad ang ulo dala narin ng katandaan.

Lumabas ang ama niya na galit na galit at kasama ni Jaja na bumaba.

"Anong kaguluhan na naman to ha,Giegie?! Pinapatulan mo na naman itong kapatid mo e mas hamak na matanda ka! "

Naka-formal attire pa ito at halatang nagmamadali na ito upang pumasok sa opisina.

Hindi siya makahanap ng tamang sasabihin kahit na siya naman talaga ang tama dahil baka magkamali lang siya ng salita, at magalit na naman ito ng todo sakanya at siya pa ang magmukhang mali.

"A-ano kase D-dad---"

"Daddy,magbabakasyon daw po s'ya sa kaklase nya.Nako,Dad! maglalakwatsa lang po yan bukas at tatakas sa gawaing bahay,iaasa na naman niya yun lahat kay nanay nena! Wag po kayong pumayag na umalis yan bukas,Dad."

Pinutol ni Jaja ang sasabihin ng kapatid at sunod-sunod na sinabi niya iyon sa ama upang hindi na makasabat pa si Giegie.

"Totoo ba yung sinasabi ni Jaja ha,Giegie?!" Napayuko na lang si Giegie dahil alam n'yang kakampihan na naman ng daddy nya si Jaja. "Kung ganon hindi kita pinapayagang umalis bukas!"

Naiiyak na si Giegie pero pinigilan niya lang yun,yumuko siya upang itago ang mukha sa ama. Nahihiya siya dahil napagalitan na naman siya ng kanyang ama at nagmukha tuloy siyang walang kwenta at walang natutulong sa bahay nila,kahit ang totoo ay silang dalawa ni nanay nena niya ang naglilinis sa tuwing wala ang daddy niya.

Naaawa lang na nakatingin ang kasambahay na si Nanay Nena sa lagay ni Giegie.

Walang nakapansin sa pagbaba ng pinsan niyang si Mon na kanina pa naririnig ang sigawan sa ibaba.

"Hindi po totoo yan,Tito. Actually kasama naman po ako ni insan at nung nakaraan tumulong po siya sa paglilinis kay Nanay Nena. Diba po Nay? " Tanong ni Mon sa kasambahay na ngayon ay katabi na niya. Tumango ito sakanya at ngumiti. "Sige na po pasamahin mo na po s'ya. Minsan lang naman po 'yan magbakasyon sa probinsiya."

Pagpapaliwanag ni Mon,ngumiti pa siya sakanyang tiyuhin.

Nawala ang galit sa mukha ng ama.

"Sige na,Giegie. Sumama ka na,siguraduhin mo lang na hindi paglalakwatsa ang aatupagin mo dun."

Gulat ang rumehistro sa mukha niya at hindi siya makapaniwalang pumayag ang daddy niya.

Tumalikod na ang kanyang ama at tinapik sa balikat si Mon.

" Pasalamat ka at nand'yan yung isa mong kakampi."

Naiinis naman na bumulong si Jaja sa kapatid.

***

KINAUMAGAHAN nasa parke na sina Giegie,Mon,Edzel,Ross,Francey at Macky kung saan sila magkikita-kita. Iniintay na lang nila dumating si Ylona.Treinta-minutos na ang nakalipas at napagdesisyunan na lang nila na tawagan ito.

Si Ross na ang nagboluntaryo na tumawag, tutal sya naman ang pinakamatalik na kaibigan ni Ylona.

Nakailang-ring pa bago sagutin ito ng dalaga.

"Hello,Ylona nasan ka na? Ikaw na lang yung wala dito sa pa--"

Natigil siya sa pagsasalita ng marinig na humihikbi si Ylona.

"R-ross? S-sorry pero hindi ako makakasama sainyo."

Garalgal ang boses nito. Alam niyang may problema ito kaya ayaw sumama at hindi ito nagpapaka-Kj ngayon.

"Anong problema? Bakit? May nangyari ba?"

Sunod-sunod na tanong ni Ross sa kaibigan. Tahimik na nakikinig sila Giegie at nagtataka naman ang iba.

Nilapit ni Macky ang tenga niya upang mas lalong marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"H-hindi kase ako pinayagan ni mommy..."  Tumigil ito sa pagsasalita at mas lalong lumakas ang paghikbi nito.
"...may aasikasuhin daw s'ya kaya ako daw muna ang aasikaso dito sa bahay"

Pinilit ni Ylona na magsalita ng hindi humihikbi para hindi mahalata ng kausap na umiiyak siya ngunit nabigo siya. Kilalang-kilala ni Ross si Ylona,alam niyang umiiyak ito hindi lang  dahil sa ayaw siyang pasamahin kundi may iba pa itong problema.

"Ano? Hindi.....Hindi kami aalis kapag kulang ang isa saatin,kaya susunduin ka namin diyan,Ylona."

Matigas na sabi ni Ross sa kaibigan. Alam niya rin ang pinagdadaanan nito sa mama niya.

***

*Dont forget to click the vote if you liked this chapter*

Itutuloy...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now