BAKASYON 27

2 0 0
                                    

"THANK you, everyone. Sobrang tagal bago ko nahanap yung tapang na harapin 'to. Pero ngayon, medyo mas okay na ako," sabi ni Giegie, ng may pag-asa sa boses.

"Hindi madali, pero dahil sa suporta n'yo, unti-unti ko nang naiiwan yung takot at lungkot. Natutunan kong yakapin yung mga emosyon ko at mag-move forward," dagdag niya, na puno ng pasasalamat.

"Hindi ko inakala na makakarating ako sa punto na 'to, pero alam ko pa rin na may mga pagsubok pa. Pero, salamat sa inyo, ramdam ko na kahit papaano, nagsisimula nang maging mas magaan ang pakiramdam ko," masayang sabi ni Giegie.

Yinakap naman siya ng ama, at hinalikan sa noo. Nandon din ang kapatid niya na hinahagod siya sa likod at nakiyakap narin sakanila.

Nasa loob siya ng kuwarto at kaharap niya doon ang psychiatrist, ang papa niya, at ang kapatid niya na si Jaja. Labis kasi siyang natutuwa dahil sa wakas nakakarecover na siya mula sa mga traumang nangyari.

"Kamusta na sina Macky, Ross,  Ylona, at Mon? Namimiss ko na sila." Tanong ni Giegie sa ama at sa kapatid.

Napansin niya naman kaagad ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Jaja.

Nag-aalala si Jaja, ngunit nagtago ito sa likod ng isang ngiti. "Ah, okay lang sila. Busy lang siguro. Ayaw ko lang sanang ma-stress ka ulit, Giegie."

"Hmm, bakit naman ma-i-stress? May nangyari bang hindi maganda sakanila?" Tanong ni Giegie dito na nagsisimula nang magtaka sa kinikilos ng kapatid. "Ano bang meron?"

Hindi makatingin si Jaja sa mata ni Giegie. "Wala, Giegie, okay lang talaga sila. Baka busy lang talaga."

Ngunit nararamdaman ni Giegie na may itinatago si Jaja, at sa pagtingin niya sa kanyang mga mata, alam niyang mayroong hindi sinasabi si Jaja tungkol sa kanilang mga kaibigan.

Nabalitaan kasi ni Jaja na wala narin ang kaibigan nitong si Ross, tumawag kasi ulit doon si Macky upang kamustahin si Giegie at bantayan maigi. Doon rin nalaman ni Jaja na wala na pala ang isang kaibigan nito na si Ross.

"O-okay lang sila, actually tumawag nga kanina si Mon, Macky at Ylona." malikot ang mata ni Jaja at hindi makatingin sakaniya.

Nagtaka naman si Giegie rito dahil hindi nabanggit ang isa niya pang kaibigan na si Ross. "Eh, si Ross? Hindi tumawag?" Nagtatakang tanong niya kay Jaja.

Si Jaja naman ay hindi mapakali.

Napansin ni Giegie ang pag-aatubiling titig ni Jaja, at bigla siyang napabalot ng pangamba. "Jaja, sabihin mo sa akin ang totoo. Ano'ng nangyari kay Ross?"

Hindi na nakayang itago ni Jaja ang lihim. "Giegie, hindi ko alam kung paano sabihin ito, pero si Ross... si Ross ay wala na."

"Ano? Paano nangyari 'yon? Bakit?" tanong ni Giegie, na parang biglang naputol ang kanyang mundo.


***

Sa pagkakatulog ni Ylona, ramdam ng dalawang binata ang bigat ng mga pangyayari sa kanilang buhay. Matapos nilang pag-usapan ang plano sa pagbalik sa probinsya, nagtaglay ng lungkot at pagod ang kanilang mga mata.

"Bukas, kinaumagahan. Kailangan na nating bumalik," paalala ni Macky kay Mon, na tila nananatili sa malalim na iniisip.

Tinango lang ni Mon ang kanyang ulo, na parang nagpapakita ng pagpayag at pang-unawa. "Mas mabuting bukas para makapagpahinga siya," dagdag ni Mon, na alam ang pagod ni Ylona sa mga nangyari.

"Magkakasama tayo sa pagharap sa mga pagsubok. Basta't may isa't isa, malalampasan natin 'to," sabi ni Macky, na puno ng determinasyon.

Nagkaroon ng pananampalataya ang dalawang magkaibigan na may bagong simula ang hatid ng bagong araw, nagbigay daan sila sa pag-asa at pangako ng bukas na puno na ng pag-asa.

***

ALAS-TRES ng madaling araw. Naalimpungatan si Ylona ng maramdaman niyang naiihi na siya. Nakita niyang tulog na tulog ang dalawa niyang kaibigan sa lapag na sina Macky at Mon. Ayaw niya naman na gisingin ang mga ito upang magpasama.

Sa pag-iwas sa ingay, dahan-dahang bumangon si Ylona at tinungo ang banyo. Habang siya'y naglalakad, bigla niyang napansin ang isang pulseras na kulay pula sa lapag.

Napaatras si Ylona nang biglang gumalaw ang pulseras, nagdulot ng takot sa kanyang puso. Ngunit, sa kabila ng takot, napansin niyang parang may boses na nanggagaling dito.

"Mamamatay kayo..." sabi ng boses na tila nagmumula mismo sa pulseras.

Nagulat si Ylona sa narinig, ngunit hindi siya nakapagsalita. Nagtayuan ang mga balahibo ni Ylona sa nakakatakot na pahayag ng boses mula sa pulseras. Di-makapaniwala, tiningnan niya ang pulseras at muling nagbigay ito ng kahindik-hindik na salita.

"Mamamatay kayo, isa-isa..." dagdag na sabi ng boses, na nagpaparamdam ng labis na pagkatakot sakaniya.

Biglang lumitaw ang matandang lalaki mula sa dilim, ang kanyang mukha ay nakangisi ng malawak.

Mabilis itong nakalapit sa dalaga at sinakal ito paitaas.

Puno ng sakit at pangamba ang nararamdaman ni Ylona, wala siyang magawa.  Nahihirapan siyang huminga, impit na ungol lamang ang nagagawa niyang paghingi ng tulong.

"Susundan ko kayo... bawat hakbang niyo ay may kapalit na kamatayan. Mamamatay kayo, isa-isa," sabi ng matandang lalaki at pahigpit ng pahigpit ang pagsakal nito kay Ylona.

Hindi malaman ni Ylona kung paano tatakbo mula sa sitwasyon na ito. Isang bangungot na puno ng karahasan at pangangamba ang kanyang nararanasan, at tila ba ang matandang lalaki ay may masamang hangarin na kanyang dala.

Pinilit ni Ylona na ibuka ang bibig, naalala niya ang sinabi sakaniya ni Mon nung siya ay nag-iisa sa bahay. Umusal ng panalangin at tawagin siya kapag may hindi nangyaring maganda.

Sa kabila ng pangamba, pinilit ni Ylona na umusal ng panalangin, tawagin ang anumang tulong na maaaring dumating.

Ang kanyang mga mata'y puno ng takot at determinasyon, habang itinutok niya ang kanyang isip sa paghahanap ng lakas para makatakas.

Hindi na siya makahinga, kaunti na lamang ay malalagutan siya ng hininga.

" M-mon,natatakot a-ako.Pumunta ka na dito...p-please" nahihirapan niyang bulong.

Nawawalan na siya ng pag-asa, hindi siya makasigaw at nasa kwarto ang dalawang binata. Tiyak na hindi alam ng dalawa ang nangyayari sa sala.

Sa loob ng isang sandali, parang narinig  siya ng kaniyang panalangin.

Si Mon at Macky ay biglang sumulpot, bitbit ang mga rosaryo at isang lalagyang puno ng banal na tubig.

"Kami na ang bahala dito, Ylona," deklara ni Macky habang hinagis kay Ylona ang rosaryo.

Mabilis na sinalo niya ito at nilagay sa ulo ng matandang lalaki.

Ang dalawang binata ay agad na nagdasal at bumuhos ng banal na tubig sa direksyon ng matandang lalaki. Ang diablo ay nagdulot ng malakas na sigaw, at sa kasabayang pagtatapon ng rosaryo, biglang naglaho ito.

Nang mawala ang matandang lalaki, bumagsak si Ylona sa kandungan ni Mon, puno ng pangamba at pagod. Inakap siya ni Mon ng mahigpit.

"Okay ka lang?" tanong ni Macky, nag-aalala sa dalaga.

"Oo, salamat sa inyo," hinihingal na sagot ni Ylona, puno ng pasasalamat sa mga kaibigan.

Mahigpit siyang yinakap ni Mon at dali-dali namang kumuha ng tubig si Macky.

"Tayo ang nagsimula kaya dapat tayo din ang tatapos ng lahat, hindi ang libro na yan!" Mariin na wika ni Mon habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

***

Itutuloy...

Dont forget to click the vote if you liked this chapter...

Bakasyon (UNEDITED VER.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon