BAKASYON 7

924 31 3
                                    

(Picture ni Edzel at Ross)
<-------

"P're, sigurado ka bang hindi boring yang laro na yan,eh sa unahan palang ng libro halatang boring na."

Sabi ni Edzel habang pinagmamasdan ang librong plain na kulay itim--ni wala manlang nakalagay na kung anong design sa cover at may nakasulat na kulay silver na 'how to encounter a ghost' at sa ibaba ay may pirma pa, pirma siguro ng may-akda ng libro.

"P're, wag mong sabihin na natatakot ka. Akala ko ba boring dito sa bahay ni lola tapos ayaw mo naman pala, paano magkakaroon ng experience si Ross tungkol sa katatakutan. "

Pangungumbinsi ni Macky at pinaintindi rin dito, kung bakit sila nandirito ngayon sa bahay ng lola niya para magkaroon ng kakaibang 'Experience' tungkol sa mga supernatural or horror experiences.

"P're, Wala naman akong sinabing 'ayaw ko' para kaseng boring, tignan mo naman 'how to encounter a ghost'. P're, hindi mo na kailangan ng ganyan  manghingi ka lang kay mang badong ng robotic puppet n'ya,matatakot ka na! atsaka hindi naniniwala sa ganyan si Ross, positive thinker yun atsaka eto pa kaya nga kami pumayag na makapag- bakasyon dito kase mag-eenjoy kami at magkakaroon ng masayang experience para sa college life natin,may maaalala tayo kung sakaling lumipat si Francey at Ylona."

Mahabang sabi ni Edzel sa kaibigan at pinipilit na hindi nila kailangan ng ganung Experiences kundi mga Happy Moments sa isa't isa.

"Oo na andami pang sinasabi e"

Tatawa-tawang sabi ni Macky. 


Lingid sa kaalaman ng dalawang magkaibigan na masayang nagkukwentuhan ay may matandang babae na nakatingin sa kanila mula sa naiwang bukas na bintana.

***

SAMANTALA...


"Ayiieee, si insan kanina makatingin kay Ylona may sparks sa kanila. Kyaaaaaah!"

Tukso ni Giegie kay Mon
na nagsusuot ng headset dahil sa kaingayan ni Giegie


"Haha, Oo nga si Ylona rin nakipagtitigan kay Mon kala mo tuloy nasa teleserye sila, mala-Jadine ang sparks e haha."

Pang-asar din ni Ross kay Ylona, napanguso na lang si Ylona dahil inaasar s'ya nila Giegie at Ross.

"Grr,wala talagang signal tsk!"

Naiinis na sabi ni Francey habang hawak ang kanyang selpon.


"Guys! Listen! Para hindi boring yung pagbabakasyon natin kailangan natin ng EXPERIENCE"


Napalingon sila sa kadarating lang na si Macky at Edzel .

"And eto na yung sinasabi kong experience"

Dagdag na sabi ni Macky sabay turo sa hawak ni Edzel na libro.


Napapayag na kanina ito ni Macky na kunin ang libro at laruin nila. Kinonsensya kase niya ito na, siya lang ang may ayaw sa larong ganun. Samantalang silang lahat ay gusto kaya walang choice si Edzel kundi kuhanin na lang.

Nilapitan ni Francey si Macky at inagaw ang libro na hawak ni Edzel.

"How to encounter a ghost?"

Bakasyon (UNEDITED VER.)Where stories live. Discover now